Isang IP nasawi matapos magpakamatay sa kanilang tahanan

Nasawi ang isang IP matapos magpakamatay sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

Kinilala ni PMSG Michael Espana, imbestigador ng PNP Pamplona ang biktima na si Alyas Gregoria, 37 anyos at residente sa nasabing bayan.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang brgy.kagawad sa lugar kaugnay sa nangyaring insidente.

Pagkarating aniya sa nasabing lugar ay wala na sa mismong pinangyarihan ng insidnete ang bikitma at ang tanging nadatnan na lamang ay ang tali na ginamit nito sa pagbibigti at isang upuan kung saan may naiwan pa itong bakas ng kanyang mga paa habang naghihingalo.

Lumalabas sa imbestigasyon na alas ostso umano ng gabi nang nagkakape pa ang mag asawa at maaring inantay umano ng biktima na makatulog ang kanyang pamilya bago ito nagpakamatay.

Bago ang nasabing pangyayari ay wala namang pag aaway ang mag asawa at napansin lamang ang pagbabago nito ng dahil sa motor na kanila umanong pinundar at isinangla sa kanilang kapitbahay.

Dito ay nag umpisa ng matutong mag inom ang nasabing biktima.

Ayon kay Espana, malamig na umano ang katawan ng biktima nang madatnan ito at maaring nangyari ang insidente bandang alas onse ng gabi walong oras na ang nakalipas bago ito nadiskubre.

Napag alaman na dati na aniya sinubukang magpakamatay ng biktima ngunit napigilan lamang kanyang anak isang isang buwan na ang nakalipas.

Sa ngayon ay nakaburol na ang biktima sa kanilang tahanan habang wala namang nakikitang foul play sa nasabing insidente.