Chloe San Jose, naikwento sa Toni Talks ang matinding dinanas sa kanyang kabataan

– Naikwento ni Chloe San Jose ang kanyang mga dinanas sa kanyang kabataan

– Aminadong hindi naging madali ang kanyang sinapit na dumating pa sa puntong kinailangan niyang maghintay na maging 18-anyos

– Gayunpaman, aminado si Chloe ang mga karanasang ito ang nagpatatag sa kanya

– Naging kontrobersyal si Chloe sa kasagsagan ng pagkapanalo ng dalawang gold medal sa Paris Olympics ang kanyang nobyong si Carlos Yulo

Isa sa mga naibahagi ni chloe San Jose sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay ang kanyang pinagdaanan noong siya’y menor de edad pa lamang sa Australia.

Chloe San Jose, naikwento sa Toni Talks ang matinding dinanas sa kanyang kabataan
Chloe San Jose, naikwento sa Toni Talks ang matinding dinanas sa kanyang kabataan (Toni Gonzaga Studios)
Source: Instagram

Buong tapang na isiniwalat ni Chloe ang pinagdaanan na aniya’y nagpatatag naman sa kanya.

“Pero’nung nag-11 po ako and then 18, parang ang tough po ng naging, hindi po dahil sa adjustment. Relationship po talaga with like family members po na nandun sa Australia po,” panimula niya.

Read also

Sam Concepcion, nahingian ng reaction sa viral ‘Daddy’ memes

“I experienced po domestic violence. Sa’kin po and witnessed also,” giit ni Chloe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

“Kaya ‘nung 16, gusto ko na po talagang umalis po. Pero since minor po ako, I couldn’t. So nag-intay pa po ako ng two years mag-18 para po makaalis.”

Nang magkaroon ng pagkakataon, aminado si Chloe na naglayas na lamang siya

“‘Yun po, kaya nami-misunderstood ‘yung tapang ko po kasi po they don’t know naman what happened sa early childhood ko po.”

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Chloe San Jose ang girlfriend ng tanyag na gymnast ang pinagmamalaki ng Pilipinas na si Carlos Yulo. Si Carlos ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Sa natapos na Paris Olympics ngayong taon, dalawang gintong medalya ang naiuwi ni Carlos na mga panibagong karangalan para sa Pilipinas.

Read also

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gymnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano’y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos. Gayunpaman, hangad na marami na magkaayos parin silang mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!