Bruno Mars, Snoop Dogg notice Filipino Kalokalikes

Tuwang-tuwa ang American singer-songwriters na sina Bruno Mars at Snoop Dogg sa mga Pinoy “Kalokalike” na gumagaya at umiidolo sa kanila.

Sa “Kalokalike” segment ng It’s Showtime noong October 4, 2024, sumalang ang Pinoy kalokalike ni Bruno na si Kent Villarba.

Bruno Mars, Snoop Dogg notice Filipino
Kent Villarba

Photo/s: Screengrab @ABS-CBN News YouTube

Dito ay pinatunayan ni Kent ang matinding paghanga niya kay Bruno nang kantahin ang mga sikat nitong awitin gaya ng “Just the Way You Are,” “Grenade,” “When I Was Your Man,” “Die with a Smile,” at “That’s What I Like.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Napahanga ang mga host at audience dahil katimbre ng boses ni Bruno si Kent.

Nakarating kay Bruno ang video clip ni Kent na kuha mula sa It’s Showtime.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story noong October 5 ay ini-repost ng singer na may dugong Pinoy ang Instagram reels na in-upload ng ABS-CBN.

Dito ay mapapanood ang naging performance ni Kent habang ini-interview siya ng It’s Showtime hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Darren Espanto, at Ogie Alcasid.

Bruno Mars notices Filipino Kalokalike

Photo/s: ABS-CBN ON INSTAGRAM

Si Kent ang naging daily winner dahil sa impersonation niya kay Bruno.

SNOOP DOGG REACTS TO HIS PINOY KALOKALIKE

Katulad ni Bruno, napansin din ng American singer-songwriter at rapper na si Snoop Dogg ang Pinoy Kalokalike niyang si Carlos Sintyoco, na sumalang sa impersonation talent show ng It’s Showtime noong October 5.

Bruno Mars, Snoop Dogg notice Filipino
Carlos Sintyoco

Photo/s: Screengrab @ABS-CBN News YouTube

Sa kanyang Instagram nitong Lunes, October 7, in-upload ni Snoop ang video ni Carlos kabang iniinterbyu ng mga host na sina Kim Chiu, Vhong, Jhong, at Ogie matapos niyang magtanghal.

Mababasa sa caption ng American rapper, ““Wow [laughing in tears emoji] get it nefew!”

Dahil sa ginawang performance at pagkakahawig ni Carlos kay Snoop, siya ang itinanghal na daily winner noong araw ng kanyang pagsalang.

Si Snoop ay kilala sa kanyang mga kantang “Beautiful,” “Young, Wild & Free,” “Drop It Like It’s Hot,” “Signs,” “Let Me Ride,” at “Vato.”