Nagpakilalang kamag-anak ni PBBM tatakbo bilang gobernador ng Isabela

CAUAYAN CITY – Naghain ng Certificate of Candidacy o COC para tumakbo sa pagka-gobernador ng Isabela ang nagpakilalang kamag-anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinilala ang nasabing indibidwal na si Edgardo Edralin, residente ng Barangay San Femin Cauayan City na dati na ring tumakbo bilang punong barangay noong nakaraang eleksyon.

BBM din ang sinasabing palayaw nito.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Edgardo Edralin, sinabi niya na ang dahilan kung bakit siya nag hain ng COC ay dahil gusto niyang magkaroon ng pagbabago sa lalawigan ng Isabela.