Mga vape products papatawan na ng two-tier excise tax – BIR

Hangad ng Bureau of Internal Revenue o BIR na tuldukan na ang ‘misdeclaration’ ng vape products sa gitna ng two-tier excise tax sa e-cigarettes.

Pinag-aaralan din ng BIR na magpataw ng mas mataas na rate maliban na lang kung mapatutunayan ng manufacturers na hindi ito dapat.

May ilang vape companies kasi ang nagsasabi na ang kanilang mga produkto ay freebase pero ang totoo ay nicotine salt, ito’y para makaiwas sa pagbabayad ng mas mataas na buwis.

Bagama’t mas gusto nila na alisin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, nangangailangan naman ito ng batas.

Bilang mabilis na solusyon, maaaring I-charge ng BIR ang kaparehong rate sa nicotine salt at freebase sa pamamagitan ng ‘administrative issuance.’

Binigyang diin ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr ang pangangailangan na labanan ang ‘smuggling, illicit trade, misdeclaration, at tax evasion’ na iniuugnay sa vape products.