Troy Montez looks back on past relationship with Mystica

Mas matindi sa Vivamax ang pagtatalop ni Troy Montez sa pelikulang Querido (2012) na tinampukan nila ng ex-girlfriend niyang si Mystica.

Troy Montez
Troy Montez

Photo/s: Jerry Olea

Querido movie poster
Querido movie poster

Photo/s: imdb.com

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Babad ang exposure ng kanyang erect private part sa nasabing “online movie” na si Mystica rin ang writer, director, editor, at producer.

“Oo nga, yun nga, e.

“Dun nga rin ako nag-ano, alam mo na siyempre…

“Nakakahiya rin sa mga nakakakita sa akin, nakakakilala sa akin,” lahad ni Troy sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Oktubre 5, Linggo ng gabi, sa isang hotel sa Quezon City.

“Sinasabi nila sa akin na bakit daw ako pumayag na kitang-kita yung talong ko.

“Minsan pag dumadaan ako, let’s say sa mall, pumupunta ako sa mall, sinasabi sa akin, ‘Ay! Yun ang asawa ni Mystica! May scandal yan, e!’

“Akala siguro nila, sineseryoso nila na scandal talaga. Pero hindi nila alam na kasama sa scene namin sa pelikula yun.

“So siyempre para sa akin, ang feedback sa akin ng mga tao, talagang akala nila, sobrang laswa ko pagdating sa mga ganyan.

“E, hindi nila alam na kasama sa movie iyon.”

TROY NO REGRETS AFTER SEXY EXPOSURE

May pagsisisi ba siya sa mga mapangahas niyang ginawa sa Querido?

Mabilis na tugon ni Troy, “Oo, sobra. Kaya nga ang kasabihan — sa huli ang pagsisisi. Dapat pala, dinoble ko muna, inisip ko muna nang doble-doble, ‘Tama ba itong gagawin ko?’

“Kasi that time, 22 years old lang ako noon. So siyempre, ako naman, parang gusto kong sumikat kaagad, umoo na lang ako.

“Pero para sa akin, nung naisip-isip ko na ganun pala yung feedback sa’yo ng mga tao, medyo ano sila, judgmental. Mapanghusga.

“Bakit daw ako pumayag? Pera lang daw ang habol ko pagdating sa ganyan. Kaya ko daw siguro ginagawa ang ganyan, para yung kita daw namin sa site ng ano…

“E, wala naman kaming website ng mga porno! Hindi naman namin inilagay dun. Kumbaga siyempre, kasama sa eksena yun, e.

“So wala akong magagawa. E, that time, bata pa ako noon. Hindi ko naisip na yun nga ang magiging feedback sa akin.”

TROY LOOKS BACK AT HIS RELATIONSHIP WITH MYSTICA

Minahal ba niya si Mystica? Naramdaman ba niyang minahal siya nito, at totoong nagmahalan sila?

“E, nung time kasi na yun, kaya naging kami ni Mystica, nakilala niya ako nung nag-audition ako sa kanya,” matamang pagbabalik-tanaw ni Troy, na gumamit din ng stage name na Kid Lopez.

“Kasi naghahanap nga siya ng male group na The Mystic Champs. Ako yung naging lider, so pag may mga show-show kami, ayan, hanggang sa nagka-develop kami.

“Siyempre pag nagre-rehearse kami, naiiwan ako dun sa bahay niya, ayaw niya akong pauwiin. Yun, dun nagsimula yung ano namin.

“So siyempre, sa akin naman, parang wala akong nararamdaman that time. Kasi nga, siyempre, talent lang niya ako, saka bata ako.

“Hindi ko rin alam na may pagtingin pala siya sa akin. Na yun nga, may motibo pala sa akin na type pala ako, yun.

“So ngayon, tuwing magre-rehearse kami, parang iba yung dating sa akin. ‘O, sige, mag-rehearse kayo, dito lang muna si ano.’ Ganun ba, kumbaga hindi ako hirap.

“Tapos, parang nasa akin yung atensyon. Yung atensyon niya, nasa akin, hindi sa mga kagrupo ko.”

TROY CLARIFIES HE WASN’T EXPLOITED BY MYSTICA

Masasabi ba niyang na-exploit siya, o naabuso noong time na iyon?

“Noong time na yon, hindi naman. Wala namang pang-aabusong nangyari,” paglilinaw ni Troy.

“Parang… siyempre, pinapakita niya sa akin na gusto niya ako, ganun. Pinaparamdam niya sa akin na type niya ako, parang ganun.

“Siyempre, para sa akin… siyempre ako naman, nagtataka ako, ba’t ganun? Siyempre bata pa ako.

“Hindi ko rin naman din naisip na umibig nang ganung edad. Half age, ha? Kumbaga siyempre… that time, 44 siya, ako 22.”

Gaano tumagal ang kanilang pag-iibigan?

“Tumagal din nang halos 10 years, isang dekada rin.”

Ano ang sanhi ng kanilang paghihiwalay?

Napabuntung-hininga si Troy, “Ayun, yun lang… nagkahiwalay kami dahil sa mga isyu. Siyempre, nagkaroon siya ng mga intriga na minumura niya yung mga politics, yung mga ganun, na alam mo na.

“Siyempre sa akin, feedback sa akin ng mga tao pag bina-bash ako, siyempre, ‘Asawa ni Mystica yan, ah! Ano yan, ah, maano yan sa social media, maingay!’

“Kumbaga, ba’t di kaya inaano ng dyowa niya, pinipigilan? Parang ganun ba.

“Siyempre, yung balik sa akin ng mga tao, sa akin napupunta yung basher niya, hindi sa kanya. Mga bashers niya, sa akin naano, e.

“Ayun, kaya naisip-isip ko na pagsabihan siya. Nung time na pagsabihan ko, minura pa ako.

“So ngayon para sa akin, siyempre iisipin ko na lang na lumayo kaysa ituloy pa dahil pag itinuloy ko yung pagba-bash niya sa mga ano, wala, e.

“Gusto niyang sumikat, gusto rin niyang umano. E sikat naman siya! Kumbaga, gusto lang niyang dumami ang viewers niya at followers niya at bashers niya.

“Kaya ikanga niya, ‘More bashers, more blessings,’ sabi niya.”

TROY MOVES ON, CUTS OFF TIES WITH MYSTICA

Pagkatapos nilang maghiwalay ni Mystica, nagkaroon pa ba sila ng communication?

“Ahh wala na, pinutol ko na yung contact namin, yung communication namin. Kasi, ayoko na talagang bumalik sa kanya,” sabi ni Troy.

Ano ang mensahe niya sa mga nanghusga sa kanya?

“Sa akin, sa mga nanghusga sa akin… sa ngayon kasi, wala nang nanghuhusga, e,” saad ni Troy.

“Dati yun, kasi nanahimik ako. Hindi ako pala-post sa mga social media. Hindi ako sumasagot sa mga comment nila. Hinahayaan ko na lang.

“Basta kung gusto nyong maputol na agad ang mga isyu nyo, or namba-bash sa inyo, huwag nyo na lang pansinin.

“Kumbaga, i-ignore nyo na lang. Kasi once na pinansin nyo pa yan, e, hindi titigil yan.

“Gagawa’t gagawa ng paraan yan kahit i-block mo, gagawa sila ng another account nila para i-bash ka.

“So ngayon, mas maganda, huwag mo na lang pansinin para hindi na rin sila makapag-bash sa yo ng ano.”

Any message for Mystica?

“Ahhh sa akin, siguro wala na… kasi, maganda na ang buhay niya. Nasa Canada na siya ngayon, e!” bulalas ni Troy.

“So sa akin… para sa akin, OK, maganda ngayon na naging successful siya sa buhay. So, may kanya-kanya na kami.

“So, may sarili na akong buhay na tinatahak ngayon, na OK na rin ako. Mas OK na rin siya kasi nasa Canada na siya uli.”