Kim Chiu, Paulo Avelino biking photos draw kilig from fans

Consistent ang pagiging biking buddies nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nitong nagdaang mga buwan ay may ilang pagkakataong nakitang nagba-bike ang dalawa sa ilang lugar.

Nitong October 2, 2024, muli silang namataan sa Vermosa sa Imus, Cavite na pumapadyak at may kasama silang ibang bikers.

Kung hindi man sabay ay magkasunod sina Kim at Paulo sa pagba-bike.

Nakatawag ng pansin ang ayon sa netizens ay mala his and hers pink bike ni Kim na at black bike ni Paulo dahil magkapareho ang mga ito.

Umaga ng Miyerkules nang makita ng onlookers sina Kim at Paulo.

Wala si Kim sa It’s Showtime noong araw na iyon dahil sa hapon ay sinasabing may naka-schedule itong shoot para sa pelikula nila ni Paulo na My Love Will Make You Disappear.

KIM CHIU AND PAULO AVELINO 42-KM BIKE RIDE

Noong September 2, Paulo mismo ang nag-post sa kanyang Instagram ng kuha nila ni Kim at ibang mga kasama na nagba-bike.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing Pampanga ang lugar kunsaan nag-bike ang mga ito.

Sa Instagram post ni Kim noong September 13, may bersyon ang aktres ng bike ride nila ni Paulo at ibang mga kasama.

Black bike pa ang gamit ni Kim, na nagsabing posibleng huling beses na niya gamitin bike na iyon.

Sa comments section, inihayag ng fans ang tuwa na makitang nag-eenjoy at magkasundo sina Kim at Paulo sa kanilang interes.

Namataan din ang dalawa na nag-jogging noong may tour sila sa Dubai noong Hunyo.

KIM CHIU AND PAULO AVELINO PAST ROMANCES

Magkatambal sina Kim at Paulo sa defunct teleserye na Linlang pati na rin sa Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim?

Ilang buwan nang nauugnay ang dalawa mula nang mag-click ang kanilang tambalan sa Linlang.

Pero mailap ang dalawa sa tuwing natatanong tungkol sa real score sa pagitan nila.

Si Kim ay galing sa 11-year relationship nila ni Xian Lim, na nagtapos noong November 2023.

Ang huling naugnay kay Paulo ay ang former Marry Me, Marry You leading lady na si Janine Gutierrez, pero hindi sila direktang umamin sa estado ng kanilang relasyon noon.

Hanggang sa napabalitang lumamlam ang pagkakakamabutihan ng dalawa noong huling bahagi ng 2023.

Si Xian ay may non-showbiz dating partner na si Iris Lee, habang si Janine ay may bagong dating partner na si Jericho Rosales.