
Rapper Illest Morena recalls being bullied for her skin color
“Ipinanganak tayong mga Pilipino na ganito ang ating balat. And I used it to my advantage.”
Pinanindigan na raw niya ang stage name nang pumasok siya sa music scene.
“Then, nung nag-start na po ako ng career ko as a rapper, an artist, I started to use the alter ego that I created for myself which is Illest Morena. Para you know, kasi feel ko yun na yung nag-resonate na name for me.
“Nag-try ako na isipan ng ibang pangalan yung sarili ko. But it was the best name that I created,” paliwanag niya.
Ang Illest ay slang word na natutunan niya sa international rapper-songwriter na si Nicki Minaj.
“It means I’m the dopest, you’re the greatest and the coolest. And dinugtong ko lang po yung morena as my identity,” kinikilig na paliwanag pa ni Illest.
ILLEST MORENA FIRST ALBUM MORENITA
Hindi lang sa stage name ginamit ni Illest Morena ang kanyang pagyakap sa kung sino siya.
Pati ang kanyang debut album ay pinangalanan niyang Morenita, na tinuturing niyang “coming-of-age album.”
“This album is all about my fantasies,” ani Illest Morena.
Walang inhibisyon ang ibinuhos niyang damdamin sa lyrics ng kanyang mga kanta, na pumatok sa kanyang supporters.
Paliwanag ng 23-year-old singer: “Kasi nung sinusulat ko po itong album na ‘to during the pandemic, teenager pa po ako noon, 18 to 19 po.
“So, I feel na parang napigilan yung pag-grow ko during the pandemic kasi na-stuck lang po sa bahay. Hindi ko na-experience fully yung transition ko from this teenage girl into an adult that I am right now.
“And, hati po yung album ko na yun sa tatlong part which is lust—yung mga desire ng isang nagdadalagang morenita; love—ang pag ibig, siyempre, lahat naman po tayo gusto ng pag-ibig; and then dreams—ang aking mga pangarap para sa sarili ko.”
Nagsimulang mag-rap si Illest noong 2020.
“But I started releasing my songs in 2021. So, around four years po. Pero siyempre hindi rin po naging madali. Kasi nung start ng career ko po sa TikTok lang ako naglalabas ng mga rap snippets. Hindi pa po ako naglalabas ng mga kanta noon.
“Nagkaroon din po ako ng maraming challenges sa pagsusulat ng kanta nung unang years ng career ko. Kasi, siyempre I was seeing the same thing every day. Lagi pong nasa bahay, gigising, maliligo, mago-online class.
“Then, mago-online class, tapos magsusulat ng kanta. So, it was very repetitive and very draining.”
Hanggang sa nakilala raw ni Illest Morena si Nota Baloyi, isang South African artist manager na dating rapper, at ang Six Gang, na isa namang hip-hop group mula sa Mandaluyong City.
“They became one of my greatest artist friends. Na-influence rin po nila yung writing style ko, lalo na nung unang years ng music career ko. Kasi sila po talaga ang nag-push sa akin na magsulat ng song and all that. Kaya thankful po sa kanila.”
Matapos ang pandemic, siniguro raw ni Illest Morena na mag-full blast siya sa kanyang music career.
“Yes po,” masayang sagot ni Illest.
“I’m very happy kasi sa pandemic din po ako nagsimula ng career ko, e.
“So, when the pandemic stopped, nung naging normal na ulit ang ating mundo, na-open-up po ung sarili ko sa mas marami pang experiences like performing in events, going to mall tours, going to the studio to record my songs and dance lessons. All that na-experience ko siya.”
Sabay rebelasyon din niya, “Saka pumarty po talaga ako ng malala pagkatapos ng pandemic para ma-experience ko naman pong college girl. Bawing-bawi po talaga.”
LOOKING BACK TO HER ROOTS
Simple ang buhay ni Illest Morena. Ang kanyang ina ay nasa admin department sa isang airline insurance company sa Singapore.
Kuwento pa ni Illest Morena, malaking impluwensiya sa kanyang musical career ang kinalakihan niyang lugar sa Addition Hills sa Mandaluyong City.
“I live in Addition Hills po. It’s a very populated na part ng Mandaluyong. Kaya ang tawag sa kanya Addition Hills kasi padagdag lang ng padagdag yung mga baby,” ani Illest.
“And sa neighborhood po namin, ang daming nakatira doon tapos magkakadikit ang mga bahay namin. So, yung soundtrip ng isa, soundtrip na ng lahat.
“So, doon po ako na-introduce sa hip-hop. Kasi marami po akong kapit-bahay na nanonood ng YouTube, nanonood ng flip top, nanonood ng mga rap music from the ’90s, from the 2000s, and sa mga local rap music na rin.
Dagdag pa ni Illest, “And being in Mandaluyong has influenced me a lot to look back at my roots despite na I’m achieving a lot right now.
“Kasi, doon po talaga ako nanggaling, and nire-revisit ko siya lately lalo na sa mga projects ko pa na gagawin ko pa sa susunod.
“Kasi, this year of my life, this year of my Morenita album, in-explore ko po yung fantasy ko bilang isang babae na nangangarap na maging successful, maging achieved.
“And sa mga susunod na projects ko, I’ll be looking back more to where I came from and to be thankful because that’s the reason where I am here right now.”
Gusto raw kilalanin ni Illest ang lugar kung saan siya lumaki.
“Yes po,” ngiti ni Illest. “And since ako rin naman po ang nagsusulat ng mga kanta kaya malalagay ko sa songs ung gratitude ko na dahil sa buhay ko sa Addition Hills naging inspirasyon ko ung kinalakihan kong lugar.
“And also, yung favorite part ko talaga sa pagiging artist is yung part ng pagsusulat, yung pagko-compose ko ng melodies, yung pagi-stock ng harmonies.
“And I’m very particular when I rap something. When I rap or sing something, I want it to be coming from my heart.
Source: Rapper Illest Morena recalls being bullied for her skin color