Bea Alonzo spotted with mom of rumored beau Vincent Co

Ikinatuwa ng fans ang kumakalat na bagong picture ni Bea Alonzo kasama ang kapamilya ng kanyang rumored boyfriend na si Vincent Co.

Si Vincent ay ang presidente ng Puregold Price Club.

Sa isang fan account sa Facebook, inilathala ang ilang litrato ni Bea kasama si Vincent at ina ng binata na si Susan Co. Sinasabing kasama rin nila roon ang isang kapatid ni Vincent.

Ang FB post ng Bea Alonzo Warriors ay inilathala noong June 7, 2025. Mayroon itong mahigit 1,000 likes sa ngayon.

Kinunan ang mga larawan sa supplier’s appreciation night ng supermarket brand. Naganap ito noong June 6, 2025, sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City.

Sa sumunod na post ng parehong fanpage, makikita pa ang ilang larawan kung saan makikitang nakaakbay ang businessman sa drama actress.

Naka-black dress si Bea, habang naka-white na formal polo si Vincent. May isang picture rin na makikitang masayang nag-uusap ang dalawa.

“Living the Art of Love [emojis] Family Introduction over, obviously. Not on this event though.

“Introduction to some of the business people happened,” ang caption ng post, na mayroon nang higit sa 200 likes.

Naka-post na rin ang mga parehong larawan sa iba’t ibang fan pages ni Bea sa Facebook, Twitter, at iba pang social media sites.

Patuloy ang pagsubaybay ng fans sa rumored couple lalo pa’t madalas silang makitang magkasama lately.

Noon lamang June 2, nakita sa IG Stories ni Heart Evangelista sina Bea at Vincent.

Bukod dito, namataan din si Vincent na kasama ni Bea sa halos magkasunod na out-of-the-country trips ng dalaga sa Spain at Thailand noong Mayo.

Matapos nito ay um-attend si Bea sa event ng Puregold sa World Trade Center sa Pasay City noong May 16, 2025.

WHAT PEP KNOWS ABOUT BEA-VINCENT’S RELATIONSHIP

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, matagal-tagal nang nagde-date sina Bea at Vincent, hindi pa man nagba-viral online ang litrato nilang magkasama sa Spain.

Sinasabing masugid sa panliligaw si Vincent kay Bea, pero low-key lamang ang dalawa noon.

Ayon pa sa source ng PEP Troika, nang minsang magkasakit si Bea habang nasa Siargao ay pinasundo pa ito ni Vincent via chopper para makauwi agad sa Maynila.

Patuloy raw ang magandang pagkakakilanlan ng dalawa.

Isa pang source ang nagsabi, na nang tanungin nito si Vincent kung nasa dating stage na sila ni Bea, ang isinagot daw ni Vincent ay isang smile emoji.

Ayon naman sa isa pang source ng PEP, kumpirmadong sina Bea at Vincent na.

Source: Bea Alonzo spotted with mom of rumored beau Vincent Co