Michael Flores reveals Red Sternberg’s plan for showbiz comeback

Buwan ng Mayo ang kaarawan ng mga mahal sa buhay ng pumanaw na aktor na si Red Sternberg kaya isyu ito para kay Michael Flores, ang kanyang kaibigan at kasamahan sa dating youth-oriented program na T.G.I.S.

Pumanaw si Red dahil sa atake sa puso noong Mayo 27, 2025 — tatlong araw bago sana ang kanyang ika-51 kaarawan noong Mayo 30.

Si Michael ang nakipag-ugnayan sa asawa ni Red na si Sandy Sternberg nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pagkamatay ng dating aktor.

Nalungkot nang sobra si Michael nang kumpirmahin ni Sandy ang pagpanaw ni Red.

Mayo raw kasi ang birth month ng pamilya ni Red.

“Isipin mo lahat sila, May — May 5, May 28, May 29 si Sandy, May 30 si Red; and Red passed away May 27.

“So, paano mo ise-celebrate yung birthday mo? Parang sumabay sa death anniversary ng daddy mo, ng asawa mo?” pahayag ni Michael sa guesting nila nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Hunyo 6, 2025.

angelu bobby michael fast talk


Angelu de Leon, Bobby Andrews, and Michael Flores remember their late friend and T.G.I.S. co-star Red Sternberg.

Photo/s: GMA Network



MICHAEL FLORES ON CELEBRATING HIS BIRTHDAYS

Pero bago pa man namayapa si Red, malaki na ang pagpapahalaga ni Michael sa kaarawan dahil sa mga nangyari sa buong mundo nang magkaroon ng coronavirus pandemic noong 2020.

Ibinahagi ni Michael ang kanyang mga napagtanto sa panahon ng pandemya na walang kasiguraduhan ang lahat.

Saad niya: “Life is short talaga. Nothing is permanent. Lahat temporary lang.

“Sabi nga nila, di ba, hiram lang naman itong buhay natin. Hindi mo malalaman kung kailan kukunin ng Diyos yan.

“Kaya nga, actually, nung nangyari yung pandemic, ako, ipinangako ko sa sarili ko, sabi ko, kapag ako nag-birthday, ise-celebrate ko talaga.

“Hangga’t healthy ako, hangga’t able, hangga’t kaya ko, ise-celebrate ko.

“Kasama ko mga kaibigan ko, pamilya ko, lahat ng mahal ko sa buhay.

“Kasi hindi natin malalaman kung anong puwedeng mangyari next year.

“Message ko sa lahat yan. Hangga’t buhay kayo, hangga’t healthy kayo, i-celebrate ninyo ang birthday ninyo.

“Kasi hindi na natin alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas, next week, next month, next year. Hindi na natin alam talaga.”

Iniiwasan muna raw ngayon ni Michael ang social media dahil sa pagkamatay ni Red.

“Itong nangyari kay Red, sobrang sudden talaga.

“Ang hirap nga, sabi ko nga kay Bob [Bobby Andrews], ayoko nang magbukas ng social media.

“Kasi until now, puro Red pa rin ang nakikita namin, kaya mas lalong mahirap tanggapin.

“Hindi namin matanggap na talagang wala na siya. Ang hirap, ang hirap talaga tanggapin na wala na siya.

“Until now, hindi namin ma-accept na wala na siya,” malungkot na lahad ni Michael.

RED STERNBERG’S PLAN TO RESUME HIS SHOWBIZ CAREER

Ikinuwento ni Michael ang plano ni Red na bumalik sa Pilipinas at muling subukan ang pag-arte.

Isa raw siya sa mga hiningan ng payo ng yumaong kaibigan.

Pagbabahagi ni Michael: “Plano nga niyang bumalik talaga muna.

“Plano niyang bumalik, plano nga niyang mag-artista uli.

“Humingi pa ng advice sa amin ni Bob, ‘Sino ang puwedeng kausapin. Kung sino ang manager na interested na kunin ako.’

“Kapag naging okay, baka mag-stay muna sila dito for awhile. Kung okey yung magiging outcome.

“And then, yun nga, magse-celebrate pa kami ng thirty years namin, anniversary ng T.G.I.S.

“So,talagang excited siya to the point na nag-work out siya, nag-diet siya.

“Siya ang pinaka-excited kasi talaga. Siya, sobra, twenty years kang nawala dito sa Philippines.”

SANDY STERNBERG’S MESSAGE FOR FANS AND T.G.I.S. CAST

Samantala, isang mensahe ng pasasalamat para sa mga tagahanga ni Red at sa cast ng T.G.I.S. ang ipinarating ng kanyang asawang si Sandy Sternberg.

Sa sulat na ipinadala niya sa Fast Talk with Boy Abunda na binasa ni Boy Abunda, binalikan ni Sandy ang maliligayang araw noong nabubuhay pa si Red.

Mensahe niya: “To all the Red Sternberg fans and followers of T.G.I.S.

“The outpouring of pictures and videos you shared were so touching.

“I feel your heartache and pain so much. It hurts. It’s like a wound that will never ever heal.

“The deep pounding of your heart that skips a beat and the reality we all can’t accept is inescapable.

“Red and I got married 20 years ago. I still remember him getting off the computer and saying, ‘Eto na, sinisigaw ko na sa buong mundo na kasal na tayo!’

“He was a simple guy, our wedding bands were picked out in Ongpin.

“As a husband, Red was a planner. He was always ahead before I could even think it.

“He had a solution for everything by looking up in the ceiling as if the answers were all there.

“He was a computer geek. Everything had a spreadsheet!

“Red was a loving daddy to the girls and dada to our son. Our son being so young, he will only remember him through all of your posts. So thank you for keeping his memory alive.

“To his T.G.I.S. Barkada. He’s had so many stories he shared with me. Mostly bloopers na parang yesterday lang talaga it happened.

“Thanks for letting him be a part of your barkada. Someday, I hope you can tell the kids more stories.”

red sternberg family


Red Sternberg with wife Sandy and their three children

Photo/s: Sandy Sternberg Facebook



Source: Michael Flores reveals Red Sternberg’s plan for showbiz comeback