
AKTOR calls on Congress to “halt” MTRCB Act
Hinihiling ng AKTOR—League of Filipino Actors—na ihinto ng Kongreso ang Senate Bill 2805 at makipagdayalogo karakaraka sa mga taga-entertainment industry na direktang maaapektuhan ng pagpapasa ng panukala.
Ang Senate Bill 2805 o “Act Strengthening The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and Appropriating Funds Therefore” ay mas kilala sa tawag na MTRCB Act.
Layunin nitong palawakin ang kapangyarihan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at sakupin ang mga content na ipinalalabas sa streaming platforms, kagaya ng Netflix at VMX.
Ang sponsor ng MTRCB Act ay si Senator Robin Padilla.
Co-authors nito sina Senators Grace Poe, Lito Lapid, Bong Revilla, Win Gatchalian, Francis Tolentino, at Joel Villanueva.
Inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2805 sa ikatlo at huling pagbasa noong June 2, 2025.
Sa 21 senador, tanging si Risa Hontiveros ang bumoto ng “No” dahil aniya’y masyadong malawak ang kapangyarihan na ibinibigay sa MTRCB.
Ipinagtataka ng ilan na ang panukalang ito ay nagmumula kina Padilla, Lapid, at Revilla, mga taong nagkapangalan at yumaman dahil sa entertainment industry at, sa matagal na panahon, ay naging bahagi ng industriya.
Liban pa sa, hanggang ngayon, may foothold sila sa industriya. Nakikita pa rin sila sa ilang palabas, nakikihalubilo sa mga kaganapan sa industriya, at nagkokomento pa rin tungkol sa industriya bilang insiders.
May mga nagulat ding kabilang sa authors nito si Poe, na bagamat naging MTRCB chairperson mula 2010 hanggang 2012, ay malapit sa mga taga-entertainment industry dahil anak siya ng yumaong King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. at Queen of Philippine Movies Susan Roces.
Mula sa Senado ay ipapasa sa Kongreso ang panukala, kung saan muli itong dadaan sa ilang pagbasa.
Kung sakaling maaprubahan ito ng Kongreso, isusumite ito sa Pangulo upang maging ganap na batas.
AKTOR: BRING THE INDUSTRY TO THE TABLE
Sa inilabas na pahayag ng AKTOR ngayong Biyeres ng umaga, June 6, inihayag nila ang malalim na pangamba sa isinusulong na MTRCB Act.
Nanawagan sila sa Kongreso na mag-initiate muna ng “meaningful, inclusive dialogue with the creative industry.”
Ayon sa kanila, anumang batas na makakaapekto sa “freedom of expression, artistic integrity, and livelihood” ay dapat hubugin ng mga taong nabubuhay at nagtatrabaho sa industriyang ito.
Kinikilala at nirerespeto raw ng AKTOR ang umiiral na mga pananggalang upang protektahan ang manonood, lalo na ang kababaihan at kabataan, na tumitimon sa kanilang paglikha.
Ngunit paninindigan ng AKTOR: “We believe in a self-regulating industry, where accountability is upheld from within, and reforms are made in genuine partnership with the community.”
WHAT AKTOR SUPPORTS
Sinusuportahan ng AKTOR, ayon sa mismong statement nito, ang proteksiyon laban sa pananakit at eksploytasyon.
Ngunit hindi ang “vague standards or sweeping controls” na may panganib limitahan ang boses at bawasan ang oportunidad ng mga manlilikhang Pilipino.
Dahil dito, hinihimok ng AKTOR ang mga mambabatas na isama silang mga nasa entertainment industry sa usapin.
Hinihimok pa ng AKTOR na magsimula muli ang mambabatas upang ang anumang binabalangkas na regulasyon ay gawa alinsunod sa tunay na pakikipagtulungan sa komunidad.
Sa huli, saad ng AKTOR: “We stand ready to help shape a better, fairer system—one that honors both the rights of the audience and the freedom and integrity of the Filipino artist.”
MEMBERS OF AKTOR
Ang Aktor ay samahan ng mga artistang lumalabas sa pelikula, telebisyon, at teatro.
Kabilang sa officers nito sina Dingdong Dantes (chairman), Iza Calzado (vice-chairman), at Agot Isidro (president).
Ayon sa malikhaingpinoy.ph, ang Aktor ay “a non-profit organization established in May 2020 and formally registered with the Securities and Exchange Commission (SEC) in December 2020.”
Nagsisilbi ito bilang samahan ng Filipino actors na ang layunin ay ang mga sumusunod:
- Protect the rights and welfare of Filipino actors across various fields, including theater, film, television, and online platforms.
- Promote professionalism and ethical conduct within the industry.
- Provide resources and support to member actors, including training, workshops, legal assistance, and career guidance.
- Advocate for fair treatment and opportunities for Filipino actors in the entertainment industry.
AKTOR FULL STATEMENT
Narito ang kumpletong pahayag ng AKTOR tungkol sa MTRCB Act.

Source: AKTOR calls on Congress to “halt” MTRCB Act