Liza Soberano signs contract with new talent agency WILD

Desidido si Liza Soberano na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na umusbong ang career niya abroad.

Ito’y matapos niyang pumirma ng kontrata sa talent management agency na WILD.

October 1, 2024, nang ianunsyo sa publiko ng WILD ang pagkakabilang ni Liza sa kanilang ahensya nang magpost sila sa kanilang Instagram account.

Saad nila sa kanilang post, kalakip ang litrato ng aktres (published as is), “we’re so happy to welcome the talented Filipino-American actress Liza Soberano to our WILD family. please direct any Singapore-related enquiries to liza@teamwildent.com.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang WILD agency, ayon sa kanilang website, ay isang “entertainment company, marketing agency and music label which aims to connect Asian-American artists and talent worldwide, with a focus on Southeast Asia, South Korea and the United States.”

Taong 2022 nang mabuo ang ahensiya.

Makakasama rito ni Liza ang Singaporean singer na sina Tasha Low at Haven, international dance crew na Jam Republic, South Korean singer-model na si Lana, Korean dancer na si Seungyeon, at Thai singer na si Sorn.

LIZA SOBERANO’S DECISION TO LEAVE CARELESS

Ang pagpirma ng kontrata ni Liza sa WILD ay nangyari makaraan niyang umalis sa poder ng Careless Music.

Ang Careless Music ay isang record label at talent management company na pinamumunuan ng actor-singer na si James Reid.

Noong September 14, 2024 tuluyang isinapubliko ng pamunuan ng Careless Music ang pag-alis ni Liza sa roster of artists ng kumpanya.

Mababasa sa kanilang pahayag via Instagram Story:

“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024.

“It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors.”

Liza Soberano is no longer with Careless Music

Photo/s: Screengrab @carelssph on Instagram

Dahil dito, maraming haka-haka ang nagsilabasan. Kabilang na rito na si James diumano ang mismong nag-terminate sa kontrata ni Liza.

Mayroon ding lumabas na espekulasyong si Liza ang tumapos sa ugnayan niya kay James at kumpanya ng actor-singer na Careless Music.

Lalo pang naging tampok ng usap-usapan ang isyu nang i-unfollow ni Liza sa Instagram ang official account ng talent management.

Liza Soberano is no longer with Careless Music

JAMES SPEAKS UP ABOUT LIZA’S DEPARTURE

Para tuldukan ang mga nagsisilabasang espekulasyon, naglabas ng pahayag si James tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Liza sa Careless Music.

Sa eksklusibong panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, noong September 17, kinumpirma ni James na si Liza ang nagdesisyong lisanin ang kaniyang dating talent management.

Hindi pinigilan ni James si Liza. Malinaw naman daw sa usapan nila noon na maaaring umalis si Liza sa kanyang pangangalaga sa oras na gustuhin ng dalaga.

Pahayag ni James: “We decided to make this statement because there’s a lot of rumors na hindi na siya [part] ng Careless.

“So we decided to release the statement just to confirm, para there’s no confusion.

“Desisyon niya [Liza] na umalis sa Careless.

“Actually, sa lahat ng contracts and agreements I have with my artists, there’s a termination for convenience clause, na anytime puwedeng umalis, as long as I agree.

“And nag-agree naman ako.”

LIZA CHOOSES a DIFFERENT PATH

Wala raw masamang tinapay sa pagitan nina James at Liza.

Bago raw nagdesisyon ang aktres na umalis sa Careless Music ay nakapag-usap pa sila ni James.

Sinabi raw ni Liza na mas gusto talaga niyang ipokus ang career sa Hollywood kaysa manatili sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni James, “We have different, I guess, career paths. Mas focus siya sa U.S. career, going to Hollywood, all of that. And kami mas focus dito sa Pilipinas.”

Sa halip na pigilan si Liza, nanaig daw kay James ang pagtitiwala niya kay Liza na gagawin nito ang lahat para maabot ang mga pangarap.

Paliwanag pa ni James: “Actually, Liza’s been very proactive with her career ever since she joined Careless. She has a very clear idea of where she wants to go with her career and everything.

“And towards the end, basically, mina-manage niya ang sarili niya.

“And, you know, now that she’s in the U.S., it makes sense that Careless is no longer in the picture, which I’m okay with.”

Dagdag pa niya, “Actually, our agreement from the beginning was very loose. I didn’t make her famous.

“She was Liza Soberano already when she came on board, which is why I was so flexible.”

LIZA SOBERANO’S RUN WITH CARELESS MUSIC

June 2022 nang maging bahagi si Liza ng Careless Music.

Pumirma ng kontrata si Liza sa Careless Music matapos niyang magdesisyong hindi mag-renew ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager na si Ogie Diaz.

Sa eksklusibong panayam ng PEP kay James noong December 2022, ibinahagi niya na suportado ng Careless ang kagustuhan ni Liza na maabot ang Hollywood dream nito.

Na-expose si Liza noon sa ilang events sa U.S. kasama ang manager na si James, at doon nakilala ng dalaga ang American director na si Zelda Williams, na naging daan para ma-cast si Liza sa Lisa Frankenstein.

Balik sa panayam ng ABS-CBN, tinanong si James kung lahat ng deals ni Liza sa America ay sariling sikap ni Liza at hindi dahil sa Careless.

Sagot ni James: “Well, I did help her a lot with the initial meetings with her co-management in the U.S., even with that first film [Lisa Frankenstein]. I introduced the director, but everything after that was really her.

“Now that she’s no longer with Careless, I know she has a co-management in the U.S., that’s Transparent Arts.

I believe that she’s getting into production for her own series. I think, film as well. She’s still auditioning for the projects in the U.S.