Carmina Villarroel reacts to network transfer rumor

Mawawalan ng dalawang programa ang actress-TV host na si Carmina Villarroel ngayong Oktubre 2024 sa GMA-7.

Unang magwawakas ang daytime series na kinabibilangan nito na Abot-Kamay Na Pangarap at ito ay mangyayari sa darating na October 19, 2024.

The cast of Abot-Kamay Na Pangarap

Susundan naman ito ng diumano’y pagpapaalam sa ere ng Sarap, ‘Di ba?, ang cooking talk show ng GMA Network na umeere tuwing Sabado ng umaga.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mga hosts ng Sarap, ‘Di Ba? si Carmina at ang kambal na anak niyang sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

CARMINA VILLARROEL ASKED ABOUT NETWORK TRANSFER

Sa finale presscon ng Abot-Kamay Na Pangarap nitong October 2, 2024, diretsahang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina ukol sa mga bulung-bulungan.

Ngayong makapagpahinga na siya, ano ang plano niya at ng kanyang pamilya?

Sagot niya, “Siguro pahinga muna. Pahinga muna.

“Kasi yung meron kaming movie ni Allen [Dizon]. Actually, we started na.

“Nag-one-day taping. Nag-one-day shoot na kami dito, but by November, we’ll be flying to Canada tapos doon kami magsu-shoot ng movie.”

Pero, baka raw sa susunod na taon na uli siya tatanggap ng TV shows.

Aniya, “Pero for shows, probably baka next year na.”

Ikinagulat naman niya ang tanong ng PEP tungkol sa network-transfer issue.

Sabi ng actress-host, “Ang bilis naman! Ewan ko ba. Ang bilis naman ng mga usap-usapan.”

Bukod daw sa kanya ay kasama pa ang kambal na lilipat.

Paglilinaw niya, “Ay, um… alam mo naman ako, di ba? Hangga’t wala pa, ayoko naman mag-ano.

“Pero like I said, I just wanna take my time sa ngayon.

“Parang I just want to take… Parang one day at a time. Parang ganun.

“So since I’m still taping, nagti-taping pa naman, dito muna ang concentration ko.

“And then magpapahinga muna ako.”

Patuloy ni Carmina patungkol sa kanyang role sa Abot-Kamay Na Pangarap, “I have to really let go of Lyneth’s character.”

Sabay dagdag niya, “Para makapag-move on ako sa iba. And then, we’ll see. We’ll see. We’ll see.”

Idiniin ni Carmina na siya ay “forever grateful” sa GMA-7.

Kung sakali, hindi naman isinasara ni Carmina ang kanyang pintuan sa anumang oportunidad na dumating sa kanya.

Hindi na naman bago kay Carmina ang tumawid-tawid sa ibang istasyon para magtrabaho.

“Yes. Oo. Kasi parang ako, I’ve been in this business more than half of my life.

“Dyusko, parang magkasabay naman tayo doon. Alam mo na yan, di ba?” hirit ni Carmina sa isa pang reporter.

“So parang ang lesson, isa sa mga lessons na natutunan ko, never burn bridges, because maliit lang ang mundo natin.

“Mukha lang siyang malaki. Pero maliit lang ang mundo natin.

“So basta sa ngayon, dito lang ako. Kalma lang ako dito.

“And then we’ll see. We’ll see.”

Nauna na ring nagpaliwanag si Carmina tungkol sa bintang ng netizens na “pakialamera” siya at “matapobre.”

Gayundin ang panghihimasok niya umano sa mga usapin ng pag-ibig nina Mavy at Cassy.