Tatlong Tulfo brothers, tatakbo sa Senado

Ibinasura ni Senatorial aspirant at broadcaster Ben Tulfo ang mga akusasyon na ang kanyang pagkandidato ay lilikha ng isa pang political dynasty.

Sinabi ito ni Ben bilang reaksion sa posibilidad na magkakaroon ng tatlong Tulfo brothers sa Senado.

Ang kanyang nakatatandang kapatid na si Raffy ay incumbent Senator, at si Erwin, dating Department of Social Welfare and Development chief at kasalukuyang ACT-CIS representative, ay inihayag din ang kanyang pankandidato sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sinagot ni Ben ang tanong tungkol sa dynasty, kung saan sinabi niya na may dynasty, subalit ito ay sa pagtulong sa mga tao.

Ipinunto pa niya na ang Tulfo brothers ay walang distrito, para magbibigay-daan sa local elective officials na bumuo ng dynasty.

idinagdag pa niya na hindi nila kasalanan kung silang magkakapatid ay nagkataon na may magkakaparehong propesyon.