
Netizens react to proposed bill to scrap K to 12 curriculum
Umani ng maraming reaksiyon sa netizens ang panukalang batas ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada na tanggalin ang K to 12 curriculum at ibalik na lang ang nakasanayang basic education system.
Ayon sa pulitiko, nabigo ang pagdadagdag ng senior high school (SHS) level sa layunin nitong itaas ang kalidad ng edukasyon mula nung naisabatas ito 12 years ago.
Saad ng senador, ang SHS level—na karagdagang dalawang taon mula sa nakagawiang apat na taon sa high school at anim na taon sa elementary—ay “pasanin” lamang dahil dagdag ito sa expenses ng mga magulang at effort sa parte ng mga estudyante.
Pahayag niya sa press release na inilabas ng kanyang Senate website nitong June 5, 2025: “Bakit natin hahayaan na patuloy na maging dagdag pasanin sa oras at gastusin ang dalawang taon sa high school level?”
K TO 12 PROGRAM
Ang K to 12 program, o Republic Act No. 10533, ay kilala rin bilang Enhanced Basic Education Act of 2013.
Naipatupad ito noong Mayo 2013.
Ang pangunahing layunin nito ay i-align ang curriculum sa international education system pagdating sa high school at kolehiyo.
Intensiyon nitong maturuan at mabigyan ang mga estudyante ng “sapat na kakayahan, kaalaman sa 21st-century skills, at handa sa anumang landas na kanilang pipiliin—maging ito ay patuloy na pag-aaral sa kolehiyo, pagkakaroon ng kasanayang teknikal, pagtatrabaho, o pagnenegosyo.”
Subalit sinabi ni Estrada na nabigo ang gobyerno na isakatuparan ang layunin ng K to 12 program.
ESTRADA’S BILL
Naghain si Estrada ng Senate Bill No. 3001, na may panukalang amyendahan ang RA 10533.
Nagbigay ng datos si Estrada bilang patunay sa pahayag niyang hindi nagtagumpay ang K to 12 program sa layunin nito.
Nakasaad sa press release ang mga nakita umanong problema ng mga Department of Education (DepEd): “napakaraming curriculum, overworked ang mga guro at estudyante, mababang employment rate ng mga nagtapos ng SHS—10% lamang ang pumapasok sa labor force, karamihan pa ay sa informal sector.”
Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia Research Inc. nitong Marso 2025, mababa umano ang satisfaction rating ng K to 12.
Ang mga satisfied ay 33 percent lamang, habang 40 percent ang hindi satisfied.
Lumabas din sa survey na patuloy ang pagbaba ng kumpiyansa rito ng publiko: 41 pecent noong 2023, na naging 35 percent noong 2024, at naging 33 percent ngayong 2025.
Sa panukala ng senador, intensiyon niyang tanggalin na ang SHS program, at isulong ang tinawag niyang “rationalized basic education program”—kung saan isang taon ang gugugulin sa kindergarten, anim na taon sa elementary, at apat na taon sa secondary level.
Tila ibinabalik ng senador ang dating bilang ng taon sa pag-aaral ng isang estudyante.
IN FAVOR OF ESTRADA’S PROPOSED BILL
Lumabas ang balita sa major news outlets na ipinost din sa kani-kanilang social media sites.
Daan-daan ang mga netizens na nagkomento ukol dito at nagpahayag ng kanilang saloobin.
Para sa mga pabor sa panukalang batas ni Sen. Jinggoy, hindi raw nila nakikitang may malaking kontribusyon ang K to 12 program sa mga mag-aaral.
Para sa kanila, kabilang ang ibang magulang, pahirap daw ito dahil dagdag gastos sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Narito ang reaction ng mga pumapabor sa panukalang batas ng senador.

Katuwiran ng isa pang pabor, ikatutuwa raw ng “maraming estudyante” at mga magulang kung tatanggalin ang K to 12 program at ibalik sa dati ang education system.
“Minimize cost of learning and years of learning. All of those graduates from the old system were successful professionals, I would say.”

Halos ganito ang sagot ng isang female netizen batay sa kanyang karanasan bilang isang “90’s kid.”
Wala pa raw noon ang senior high school system, pero naging matagumpay siya sa career.
Dagdag niya, “I firmly believe that while education is important, having a degree doesn’t automatically guarantee career success. It’s discipline and the right attitude that truly open doors to good opportunities.”

Sinagot naman ito ng isa pa na mahihinuhang Gen Xer: “I’m also a 90s kid but times change po. The K to 12 is aligned to international standards.”

AGAINST ESTRADA’S PROPOSED BILL
Katuwiran ng mga pro-K to 12, makabubuti sa mga estudyante ang programang ito kung international standards ang pag-uusapan.
Sabi ng isa, “K to 12 is good and aligned globally. The problem is the proper implementation.
Pagsang-ayon ng isa, “Keep K-12 program. Dahil pag wala when it comes to international equivalency below eligibility tayo. We should race [raise] our quality of education into global standard. Hindi yung napag-iiwanan tayo.”

Tila iisa ang gustong ipunto ng mga di sang-ayon: Hindi removal kundi improvement ng K to12 ang solusyon dito.
“Naka-align na tayo sa international standards just improve furthermore the curriculum itself,” sabi ng netizen.
“Do not remove but improve the program,” pagsuporta ng isa pa.
Dagdag pang komento, “Review and refine the curriculum, instead of removing it.”


Ang iba naman, pinuna ang credentials ng senador.
Komento ng isa, “No! This guy is not even an education expert.”
Sundot ng isa pang netizen, “Let the real experts do the talking.”

Halos ganito rin ang nilalaman ng mahabang komento ng isa pang female netizen.
Bungad niya sa panukala ni Sen. Estrada: “On what grounds? What’s your evidence? Are you even from the education sector as an expert? Is this data-driven?
“If in any case you are pertaining to the literacy, then the problem is not the K12 curriculum, it’s how it was implemented.
“Were there proper support and interventions from the top management?”

Source: Netizens react to proposed bill to scrap K to 12 curriculum