
President Marcos notices Kamuning Footbridge; orders its removal
Umabot na sa atensiyon ng Pangulo ng Pilipinas ang kontrobersiyal na Kamuning Footbridge along EDSA.
Nakunan ng GMA Integrated News si Pangulong Bongbong Marcos at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tinitingnan ang infamous footbridge, at halatang ito ang kanilang pinag-usapan.
Ang maigting na bilin daw ng Pangulo, ayon kay Dizon: “Tear it down and build a better one!”
Nauna nang napansin ito ng mga foreign dignitaries, at nag-viral pa sa social media here and abroad.
Sa mga nakalipas na taon, mula nang itayo ang tulay, umani ito ng maraming batikos at naging laman ng memes.
THE KAMUNING FOOTBRIDGE
November 2018 nang itayo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang napakatarik na Kamuning Footbridge sa kahabaan ng EDSA, malapit sa EDSA Kamuning MRT Station.
Inabot ng PHP10 million ang ginastos para sa 10-meter-high footbridge.
Ang taas nito, katumbas daw ng apat hanggang limang palapag.
Depensa noon ni former MMDA spokesperson Celine Pialago, ginawang mataas ang footbridge para magkaroon daw ng safe distance mula sa power lines ng MRT na nasa ilalim nito.
Sumailalim sa renovation ang tulay noong 2019.
Nilagyan ito ng landing ramp para maging pahingahan ng pedestrians na hinihingal kapag inaakyat ito.
Pero nagpatuloy ang pambabatikos dito.
Matatandaang ginawang setting ito ng couple na seasoned hikers, habang nakasuot sila ng full hiking gear. Tinawag nilang Mt. Kamuning ang tulay.
Sa mga sumunod na taon, sinamahan sila ng fellow hikers.
Tuwing April Fool’s Day, inaakyat ng grupo ang Mt. Kamuning.
Ang ibang netizens, tinawag itong “stairway to heaven” dahil sa sobrang taas nito.

In 2018, a web developer edited a photo of the unfinished footbridge by inserting an image of mountain climber Mercy Caba holding the Philippine flag at its highest point.
Noong June 26, 2018, nag-tweet si Consul General Dirk Janssen na Consulate General of the Netherlands in San Francisco.
Ang English translation ng kanyang tweet: “There is no better way to make it clear to pedestrians that they don’t matter.”
Kalakip ng tweet ang larawan ng Kamuning Footbridge.
Ni-repost ito ng statistician na si Peter Cayton ng University of the Philippines School of Statistics.
Caption ni Cayton: “This is gaining international attention. Transport policymakers in the Philippines are heartless and have no regard for pedestrian and commuter rights, much less for human rights.”
RECONSTRUCTION OF THE FOOTBRIDGE THIS YEAR
Sa launch ng Pamilya Pass 1+3 program ng DOTr noong June 1, 2025, dumalo ang Pangulo kasama ang kanyang pamilya.
Sumakay sila sa GMA Kamuning MRT-3 Station, kung saan matatanaw sa third floor ang Kamuning Footbridge.
Dito nakunan ang grupo ng Pangulo at si Dizon habang tinitingnan ang mataas na tulay at nag-uusap.

Photo/s: GMA Integrated News
Idinagdag pa ni Dizon na bukod sa pag-demolish ng footbridge, sisimulan na ang paggawa ng mas mababang footbridge ngayong taon.
Itatayo raw ito malapit sa EDSA Kamuning MRT-3 station bus carousel.
“Ang pinakamadaling paglilipatan, para isahan na rin sa busway stop,” sabi ni Dizon.
Lalagyan din daw ng elevator ang itatayong footbridge.
Source: President Marcos notices Kamuning Footbridge; orders its removal