Barbie Imperial, umalma sa page na puro negatibo at kasinungalingan ang pinopost

– Umalma si Barbie Imperial sa mga social media pages na gumagamit ng paninira at kasinungalingan para kumita

– Ayon kay Barbie, ang mga page na ito ay nagpapakalat ng negativity para tumaas ang engagement

– Pinayuhan niya ang mga netizens na mag-ingat sa pag-like at pag-comment dahil pinapayaman nila ang may-ari ng mga page

– Nananawagan si Barbie na huwag maniwala agad sa mga impormasyong walang sapat na fact-checking

Hindi na napigilan ng aktres na si Barbie Imperial na magsalita laban sa mga social media pages na umano’y ginagamit ang paninira at kasinungalingan para lamang kumita. Sa kanyang post, naglabas ng saloobin ang aktres tungkol sa paglaganap ng negativity at maling impormasyon sa online platforms, na madalas umanong ginagamit para pataasin ang engagement at pagkakitaan.

Barbie Imperial, umalma sa page na puro negatibo at kasinungalingan ang pinopost
Barbie Imperial, umalma sa page na puro negatibo at kasinungalingan ang pinopost
Source: Facebook

Ayon kay Barbie, “Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira.”

Read also

Rendon Labador, naglabas ng paalala sa mga content creators na naghain ng COC

Bagama’t naiintindihan ni Barbie na kailangan kumita ng mga tao, binigyang-diin niyang hindi ito dapat ginagawa sa paraan ng pagsisinungaling. Dagdag pa niya, “Nagegets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi mag sisinungaling.”

Nagbigay din siya ng paalala sa publiko na maging maingat sa kanilang mga komento at likes, dahil aniya, “pinapayaman nyo po yang mga may ari ng pages na yan.” Nakakalungkot para kay Barbie na tila paninira na ang nagiging bagong estratehiya sa marketing, at marami pa umano ang naniniwala nang hindi nagfa-fact-check.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Hinimok ng aktres ang kanyang followers na maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa online.

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang “The Doll along the Riles of Albay.” Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao.

Read also

Boss Toyo, may pasimpleng hirit tungkol sa pagtakbo sa Pilipinas

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano’y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung “jojowain o totropahin” niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kinaaliwan ang pagsorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!