Pagtakbo ni Luis Manzano bilang vice governor ng Batangas “God’s Plan,”-Jessie Mendiola

Itinuring ni Jessie Mendiola na plano ng Diyos ang pagkandidato ng kanyang asawa na si Luis Manzano bilang vice governor sa Batangas sa 2025 midterm elections.

Ayon sa kanya, hindi ito kasama sa kanilang plano, subalit may ibang plano umano sa kanila ang Panginoon.

Idinagdag pa ni Jessie ang kanyang asawa ang isa sa mga nakilala niya na pinaka-masipag, maalaga at mapagbigay.

Sinabi ng aktres na ang magpapatotoo sa kanyang mga sinabi ay kanyang mga ka-trabaho na si Manzano ay mapagbigay at bukas-palad na tumulong na walang anomang kapalit.

Una rito, naghain si Manzano ng kanyang certificate of candicacy (COC) kasama ang kanyang ina na si Vilma Santos at half-brother Ryan Recto, na tatakbo sa pagka-gobernador at 6th district representative ng Batangas.