SSS President, nagbitiw na sa puwesto

Nagbitiw na sa puwesto bilang Social Security System o SSS President at Chief Executive Officer si Rolando Ledesma Macasaet para maging nominee ng SSS-GSIS Pensyonado Parti-list.

Isinumite ni Macasaet ang kaniyang resignation letter kay Pangulong Bong Bong Marcos Jr. noong Huwebes, October 3.

Batay sa kanyang sulat, nakatakda siyang magpasa ng Certificate of Nomination and Acceptance o CONA bilang parti-list nominee sa Linggo, October 6.

Nagpasalamat naman si Macasaet kay Pangulong Marcos Jr. dahil sa oportunidad na ipibinigay nito sa kanya bilang SSS President.