
Ara Mina, nagsalita sa gitna ng bali-balitang hiwalayn nina Cristine Reyes at Marco Gumabao
– Nagsalita si Ara Mina sa isang panayam upang linawin ang isyung hiwalayan sa pagitan ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes at ang longtime boyfriend nitong si Marco Gumabao
– Binigyang-diin niya na hindi siya ang tamang tao para magsalita tungkol sa tunay na kalagayan ng relasyon nina Cristine at Marco, at piniling panatilihin ang alam niya sa sarili niya
– Ikinuwento ni Ara na nagbibigay siya ng payo at opinyon sa kanyang kapatid ngunit sa huli ay iginagalang niya ang anumang desisyon na pipiliin ni Cristine para sa sarili nito
– Inihayag din ni Ara na sa kabila ng mga usap-usapan, nananatiling buo ang suporta ng kanilang pamilya at handa silang samahan si Cristine sa anumang daan na kanyang tatahakin
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng mga balitang lumalabas tungkol sa umano’y hiwalayan ng aktres na si Cristine Reyes at aktor na si Marco Gumabao, nagsalita na ang kanyang kapatid na si Ara Mina.

Source: Instagram
Sa panayam kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, Hunyo 2, diretsahang nilinaw ni Ara na wala siyang balak ibahagi ang anumang detalye hinggil sa estado ng relasyon ng dalawa. Aniya, “Kung ano alam ko, it stays with me, and I am not the right person [to tell] the real score.”
Bagama’t hindi nagdetalye, ipinahiwatig ni Ara ang patuloy na suporta ng kanilang pamilya para kay Cristine. “Basta, ang masasabi ko lang sa kaniya, nandito lang kaming family,” ani pa niya. Dagdag pa ni Ara, nagbibigay man siya ng opinyon sa kanyang kapatid, sa huli’y si Cristine pa rin ang masusunod. “’Ikaw pa rin ang magde-decide kung ano ang nasa puso mo, and basta, kung saan ka masaya, nakasuporta kami ng family mo,’” kwento ni Ara.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa parehong panayam ay nagbalik-tanaw din si Ara sa naging sweet na gesture ni Cristine matapos ang eleksyon noong Mayo. Aniya, “You know what I appreciate kay Cristine after election? She just texted me and [asked] ‘ate, anong gagawin mo bukas? Dinner tayo,’” na aniya’y paraan ng kanyang kapatid upang maipadama ang suporta. Sa kabila ng mga haka-haka, mariing sinabi ni Ara na si Cristine ay nasa mabuting kalagayan. “She’s okay. She’s doing fine,” aniya.
Si Ara Mina ay isang batikang aktres at singer sa Pilipinas na kilala sa kanyang mga teleserye, pelikula, at sa kanyang negosyo. Bukod sa kanyang mga tagumpay sa showbiz, kilala rin siya bilang protective at supportive na ate kay Cristine Reyes, isa ring sikat na aktres sa bansa. Si Cristine ay naging bahagi ng ilang matagumpay na serye at pelikula at naging bukas din sa publiko pagdating sa kanyang personal na buhay.
Noong kamakailan lang, ibinahagi ni Ara Mina ang isang espesyal na regalo mula sa OPM icon na si Freddie Aguilar bilang bahagi ng isang tribute event. Ayon sa aktres, isang framed na lyrics ng kanta ni Ka Freddie ang kanyang natanggap, na itinuturing niyang isang napakahalagang alaala mula sa isang musikero na kanyang hinahangan.
Ipinagmalaki ni Ara Mina sa social media ang kanyang malaking pagbabago sa pangangatawan matapos magbawas ng 55 lbs. Ibinahagi niya ang mga larawan na nagpapatunay sa kanyang fitness journey, bagay na hinangaan ng maraming netizens at kapwa celebrities.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Ara Mina, nagsalita sa gitna ng bali-balitang hiwalayn nina Cristine Reyes at Marco Gumabao