Estudyante, nadakip sa buybust operation sa lungsod ng Cauayan

CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga otoridad ang isang estudyante matapos masamsaman ng ilegal na gamot sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan, City.

Ang pinaghihinalaan ay itinago sa alyas na “Val”, 20-anyos, estudyante, at residente ng barangay Minante 1, Cauayan, City.

Naging matagumpay ang pagkakadakip ng suspek sa buong pwersang pagtutulungan ng mga kapulisan ng Cauayan City PS at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos maaktohan ang suspek na nagbebenta ng ilegal na gamot sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang nakaselyong papel na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana, 1,000 pesos na nagsilbing buy-bust money, cellphone, at motorsiklong ginamit sa transaksyon.

Sa ngayon ang suspek maging ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Cauayan City Police Station para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon.