6 na mga kandidato para sa 2025 National and Local Elections ang nagharap na ng kanilang Certificate of Candidacy sa COMELEC Isabela

CAUAYAN CITY- Nakapagtala na ang COMELEC Isabela ng anim na mga kandidato para sa 2025 National and Local Elections ang nagharap na ng kanilang Certificate of Candidacy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Supervisor atty. Manuel Castillo Jr sinabi niya na naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy sina Congressman Ian Paul Dy para sa District 1 ng Isabela, Michael Dy ng 5th District ng Isabela, at Board Member King Dy habang dalawa ang naghain na ng COC bilang Governor ng Isabela na sina Gov. Rodito Albano at Board member Bong Siquian.

Sa ngayon ay walang anumang aberya ang naitala ang COMEELC Isabela sa paghahain ng COC ngayong ikatlong araw ng COC filling.

Paalala niyang muli sa mga aspiring candidates na huwag na sanang hintayin pa ang deadline na october 8 para mag hain ng COC.

Mas mainam aniya na maaga mag file para naman kahit papaano ay mabigyan ng sapat na oras ang checking sa mga kailangang dokumento at upang hindi mabigla ang manpower sa pagdagsa ng mga kandidato.