T.G.I.S. stars mourn passing of co-star Red Sternberg

Nagdadalamhati ang barkadahan ng dating youth-oriented show na T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado) dahil sa pagpanaw ng co-star nilang si Red Sternberg.

Ang T.G.I.S. ay ang phenomenal youth-oriented show ng VIVA Television na umere sa GMA-7 tuwing Sabado ng hapon, mula 1995 hanggang 1999.

Si Red ang gumanap sa role ni Kiko, ang pinakamakulit sa magbabarkada.

Biglaan ang pagpanaw ni Red sa Amerika noong Martes, Mayo 27, 2025.

Siya ay 50.

Hindi pa natutukoy kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Red Sternberg during his heyday.
Red Sternberg during his matinee-idol days.

Photo/s: Courtesy: Facebook

ANGELU DE LEON

Sa pamamagitan ng social media, nagpahayag ng kanilang kalungkutan ang mga nakasama ni Red sa T.G.I.S.

Una na rito si Angelu de Leon, na gumanap sa serye bilang Peachy.

Unang ibinahagi ni Angelu ang itim na art card na ang tanging nakasulat ay “KIKO” na may tatlong broken heart emojis.

Kasunod nito ay ni-repost ng Pasig city councilor ang post ng T.GI.S. director na si Mark Reyes tungkol sa pagpanaw ni Red.

RICA PERALEJO

Ni-reshare din ni Rica Peralejo ang post ni Direk Mark.

Sabi niya sa caption: “Super sad [crying emoji] Ofc Red is Michelle’s Kiko and we will always be good friends! Our entire barkada is devastated.”

Mitch ang pangalan ni Rica sa T.G.I.S.

Post on Red Sternberg

MICHAEL FLORES AND ONEMIG BONDOC

Ibinahagi rin ni Michael Flores, na gumanap sa T.G.I.S. bilang Mickey, ang art card na “KIKO” sa kanyang Instagram Story.

Michael Flores IG Story

Maiksing mensahe ni Onemig Bondoc sa Instagram, “Rip kiko.”

JM naman ang pangalan ni Onemig sa kanilang programa.

CIARA SOTTO AND BERNADETTE ALLYSON

Broken heart emojis ang post ni Ciara Sotto, kalakip ang obituary ni Red.

Rain ang pangalan ni Ciara sa pinagsamahan nilang programa ng pumanaw na aktor.

Ciara Sotto on Red Sternberg

Noon lamang May 21, 2025, nagkomento si Bernadette Allyson sa post ni Red sa Instagram.

Saad niya sa post: “Ito ang huling pagkikita namin ni mickey at wacks bago ako umalis ng bansa. Kailan kaya kami magkikita ulit?”

Ang “Wacks” na tinutukoy ni Bernadette ay ang pangalan ni Bobby Andrews sa kanilang show.

Si Bernadette naman ay gumanap bilang Bea.

Sabi ni Bernadette sa caption: “This post made me smile but now it’s making me cry [crying emoji]”

Post on Red Sternberg




Source: T.G.I.S. stars mourn passing of co-star Red Sternberg