Pinky Amador lauds cast and crew of Abot Kamay na Pangarap

Magtatapos na ngayong Oktubre 19 ang Abot Kamay Na Pangarap.

Isa sa main characters sa naturang top-rating GMA series ay si Moira/Morgana na buong husay ginampanan ng beteranang aktres na si Pinky Amador.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sino o ano ang pinakamami-miss ni Pinky sa Abot Kamay Na Pangarap?

“Ay, lahat,” bulalas ni Pinky.

“Lahat, mami-miss ko silang lahat, kasi the experience of being in Abot Kamay na Pangarap for two years and counting, is really as a home.

“Kasi ako lagi kong ina-attribute yung atmosphere ng isang set, sa direktor, unang-una, creative team, and your lead actors.

Jillian Ward and Carmina Villarroel on Abot Kamay Na Pangarap

Jillian Ward and Carmina Villarroel are the lead stars of Abot Kamay Na Pangarap,

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sino ba lead actors namin? Si Jillian Ward, si Carmina Villarroel, at si Richard Yap.

“Wala ni isa diyan ang may sungay, wala ni isa diyan ang masama ugali. They are very generous, very intelligent, and very sarap to be with.

“Kaya ayun, parang nahahawa na rin kami sa kanila, kung ganun silang kabait, e, sino ba naman kami, di ba?”

PINKY AMADOR ON ABOT KAMAY NA PANGARAP CAST: PARANG PAMILYA

Para raw silang pamilya sa set.

Sa pagpapatuloy ni Pinky, “I think, yung respeto namin sa isa’t isa. Kumbaga ano na rin. e, tanggap na namin ang isa’t-isa, para bang pamilya.

“Di ba, wala namang perpektong pamilya, walang perpektong cast, walang perpektong samahan?

Pero dahil sa tagal ng panahon, napilitan na kaming tanggapin ang isa’t isa, di ba?

“Pag may nagagalit, may mainit ang ulo, ‘Ah okay, o sige’, ganun lang.”

Ibig ba niyang sabihin, sa sobrang close ng bawat isa sa cast ng serye ay umiiral ang unawaan sa anumang sitwasyon?

Patunay ni Pinky, “Oo, kasi hindi naman nagagalit, ‘O bakit daw? Ah ganun, ah, o, sige.’”

Kaya sigurado raw ang aktres na sa sandaling nagpaalaman na sila ay mag-iiiyakan sila?

“For sure,” bulalas ni Pinky. “Yung iba nga sa amin, mas magkakasama pa kami kaysa pamilya namin.

“Isipin mo, kung nagkataon sa iyo umiikot ang kuwento, four times a week ka nagte-taping, tapos 16 hours mo silang kasama.

“Minsan, mas nakakasama pa ng iba yung tao dito kaysa pamilya nila.”

At dahil patuloy na umeere ang serye, kahit noong may pandemya ay nakaranas raw ng lock-in taping ang buong cast and crew—walang uwian.

“Wala. Ang saya nun! Ang saya. Doon kami talaga nag-gel,” ang nakangiting kuwento pa ni Pinky.

“Tsaka ano, e, I think what makes the show tick is, I think the characters are believable.

Believable yung mga doktor, believable yung mga nurses, believable lahat, the situation. Tapos medical drama siya na kakaiba, ganun.”

Wika pa ni Pinky, “Tapos nandun yung combination na nakuha mo yung lolo, magulang, bata, nandun yung spectrum namin, napakamalawak. Kaya ang suwerte namin.”

PINKY AMADOR ON PLAYING OPPOSITE CHARACTERS

Ano ang gustong next project ni Pinky pagkatapos ng Abot Kamay na Pangarap?

Aniya, “It would be nice to play the opposite. Kaya lang, hindi ko alam kung dahil sa sobrang patok nito, kung they will take a chance.

“I don’t know. Hindi natin alam. Nagiging realistic naman ako. It would be nice to…”

Sa parteng ito ay inalala ni Pinky ang isang batikang aktres na pumanaw na.

Sabi niya, “Kasi nagawa na rin ni Ms. Cherie Gil iyan, gumawa siya sa kabilang istasyon ng siya naman yung api-api.

“And nagawa ko na rin naman yung bida-kontrabida sa Anna Karenina and that ran for six years.

“So, it would be nice, and I think naman nakuha din naman namin sa audience na respetado naman nila yung trabaho namin.

“Alam naman nila, if there’s anything na kino-complain nila, yung ang gagaling ng artista, bakit ganyan yung kuwento?

“Iyon yung mga… dun sa mga nababasa ko lang ano, pero hindi naman kami yung writer, di ba?

“So, may time na makakapag-suggest kami or puwede ko sabihin na, ‘Direk, dito sa part na ito, sinasaktan ni Moira yung hayop.’

“Against ako dun, kasi wala namang kalaban-laban yung hayop, hindi naman tao iyan, hindi makakasagot, hindi makakatakbo.

“Parang, ‘Puwede ba huwag na natin gawin iyan?’, and then, direk would say, ‘Ako din Ate Pinks against din ako sa ganyan, wag na nating gawin.’

“Yung may mga ganun kaming interchange, and I think, sa sobrang gaan at sobrang talino din nung creative team namin, naging nakasanayan.

“Hindi na sila na nabu-burden masyado kung ano man ang dumating sa amin.

“Let’s say, may magka-COVID, may biglang nagka-emergency, namatayan, lahat na nangyari sa amin.

“Namatayan, napilayan, lahat, lahat na nangyari, di ba? Emergency yun, hindi mo magagawa, na-ospital, hindi makakapasok, nagkasakit sa bato, lahat yun nangyari na.

“So, what do you do? So, doon mo makikita yung creative juices nung team namin, kung papaano nila lulusutan yun.

“Lahat nga yun nadaanan namin, nalusutan namin, kaya ganun na lang ang tiwala ko sa kanila.

“Na parang we’ve been through so many challenges, and kahit papaano, naintindihan naman ng audience, naitatawid, in other words.”

Sa loob ng dalawang taon nilang pag-ere ay napanatili nila ang mataas nilang ratings.

“Sana naman.”

PINKY AMADOR’S UNFORGETTABLE SCENES

Tinanong ng PEP si Pinky kung ano ang eksena niya sa buong run ng show ang hinding-hindi niya makakalimutan?

“Ay napakadami,” pakli niya. “There was one scene, yung confrontation ni Moira at ng buong APEX [Medical Center], na nung nabuko nila na ako yung nagtulak kay RJ sa hagdanan.”

Si RJ, o Dr. Robert Jose Tanyag, ay ginampanan ni Richard. Siya ang asawa ni Moira, na anaki si Zoey, na ginampanan ni Kazel Kinouchi.

Kapatid ni RJ si Giselle Marie Tanyag, na ginampanan ni Dina Bonnevie, na anak si Justine (Klea Pineda)

Ang mga bida ay sina Lyneth (Carmina) at Analyn (Jillian).

Sa eksenang binanggit ni Pinky, kasama rin ang mga doktor na sina Doc Katie (Che Ramos-Cosio) at Doc Ray (Chuckie Dreyfus).

Sa pagpapatuloy ni Pinky, “So ang ka-confront ko nun is si RJ, si Zoey, si Giselle, si Lyneth, si Analyn, si Doc Katie, si Doc Ray, si Justine.

“Lahat sila kalaban ko, and that scene, it was, I think it was eight to thirteen scenes and we shot it for four hours.

“Tapos, ang gustong atake ni Direk [LA Madridejos] is hindi lang ako nakikipag-away.

“May time na nagmamakaawa ako, may time na naiiyak ako dahil hindi ko masabi ang katotohanan na mabubulgar kasi yung anak ko.

Kumbaga ginawa ko yun to protect my daughter, and yun din ang gusto kong…

“Iyon ang one of the things that I love about Moira, even if she’s so despicable, it’s her love for her daughter.

“Kahit ano gagawin niya para sa anak niya. So, yung mother’s instinct, nandoon din talaga.”

Hindi siya pure evil lang naman.

“Hindi lang,” pagsang-ayon ni Pinky. Wala naman talagang ganun na tao, di ba? So, lahat tayo, kumbaga may pinaglalaban.

“For me, pinaglalaban ni Moira yung kapakanan nung anak niya.”