Bagyong Julian, muling pumasok sa PAR kaninang umaga

Pumasok muli sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Julian kaninang 8:00 a.m.

Kaninang 10:00 a.m. ay huling namataan ito sa layong 245 kilometers northwest ng Itbayat, Batanes na may lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna at may pabugso na hanggang 165 km/h.

Ito ay mabagal na kumikilos sa direksion na east northeast.

Dahil dito, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Itbayat, Batanes.

Inaasahan na lalabas ng PAR ang bagyo bukas.

Nananatili pa rin ang gale warning sa Batanes na ibig sabihin na ipinagbabawal pa rin ang pumalaot.