Maiqui Pineda defends husband Robi Domingo from criticisms

Nilinaw ni Maiqui Pineda na hindi siya na-offend sa sentimyento ng mister niyang si Robi Domingo tungkol sa pagkaudlot ng plano nilang magka-baby.

Kaugnay ito ng 35th birthday vlog ni Robi, na umaming umasa siyang sa edad niya ngayon ay mayroon na sana silang anak ni Maiqui.

Ikinasal sina Robi at Maiqui noong January 6, 2024.

Hindi ikinatakot ni Robi na aminin sa kanyang vlog na lubos siyang nalungkot dahil hindi natupad ang timeline na inilaan niya para sa pagpapamilya.

Dagdag pa raw ritong likas sa TV host na planado ang lahat sa kanyang buhay.

Naiyak pa si Robi nang sabihin nitong hindi pa siguro oras para magkaanak sila ni Maiqui, at dasal niyang gumaling muna ang asawa.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pahayag ni Robi sa kanyang vlog, at tinawag nilang “insensitive” ang TV host sa mararamdaman ni Maiqui.

Tingin ng ibang netizens, waring sinisisi ni Robi si Maiqui sa pagkaantala ng kanilang planong magkaanak, gayong hindi raw ginusto ni Maiqui ang pagkakaroon nito ng health condition.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip daw na isipin ni Robi ang sarili, mas dapat daw inintindi nito ang mararamdaman ng asawa.

NON-ISSUE FOR MAIQUI PINEDA

Sa kanyang Instagram Story kahapon, September 30, diretsahang sinagot ni Maiqui ang mga nagtatanong kung apektado siya sa post ni Robi.

“No issues at all,” sabi ni Maiqui.

Ipinaliwanag ni Maiqui na pareho sila ni Robi ng sentimyento tungkol sa naudlot nilang plano.

“I’ve openly mentioned it here before but he has a bigger reach hehe.

“It’s both our goals, our plans and our wishes but we acknowledge the reality of things and have chosen to trust in God’s plans and timings instead.”

Sabay paniniguro ni Maiqui: “But we are hopeful! Just have to wait a bit and do some work for now.

“But the prayers and support mean a lot. So thank you!!”

Maiqui Pineda addresses netizens criticizing Robi Domingo for airing his sentiments about their botched plan to have a baby this year.

Isa pang IG follower ni Maiqui ang nagtanong kung nakaramdam ba siya ng pressure sa pahayag ni Robi na “i shouldve been a father alrdy at this point.”

Diretsong sagot ni Maiqui: “To answer this question, I do not feel pressured by him or anyone.

“It was my plan too because I know it’s what I want. And that’s what I’m working towards 🙂

“Maybe I should write about my pregnancy planning story too [laughing emoji] Yes or no?”

Maiqui Pineda addresses netizens criticizing Robi Domingo for airing his sentiments about their botched plan to have a baby this year.

MAIQUI PINEDA AND HER AUTOIMMUNE CONDITION

August 2023, o limang buwan bago sila ikasal, isinapubliko ni Maiqui na siya ay may autoimmune disease.

Sa Instagram Story ni Maiqui noong September 14, 2024, sinabi niyang hindi pa siya puwedeng magbuntis dahil sa gamot na iniinom niya para sa kanyang sakit.

“Manifesting that I’ll be off the medicines by the end of the year!! Prayers needed [praying emoji]

“But for now, we have this furry baby,” dagdag ni Maiqui, na ang tinutukoy ay ang alaga nilang aso ni Robi.