Herbert Bautista still mum about political plans

Tikom pa ang bibig ni former Quezon City Mayor and actor Herbert Bautista sa kanyang plano sa pulitika ngayong nagsimula na ang filing of certificate of candidacies (COCs) ng aspiring at veteran politicians para sa 2025 national and local Elections.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa Multi-Media Press Society (MMPRESS) Kickoff and Appreciation Night sa Dengcar Theatre ng Mowelfund Film Institute noong Biyernes, September 27, 2024, hindi tuwirang masagot ni Herbert nang tanungin kung ano ang plano niya.

Isa si Herbert sa ginawaran bilang “MMPRESS Heroes” ng organisasyon dahil sa kontribusyon niya sa showbiz sa mahabang panahon.

Herbert Bautista at MMPRESS Kick Off ceremony

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HERBERT BAUTISTA: “ENJOYING MY REST PERIOD.”

Matapos matanggap ang kanyang parangal, nakipagtalamitam muna si Herbert sa ilang miyembro ng MMPRESS.

Kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nausisa namin ang actor-politician sa kanyang plano ngayong election season na naman.

Saad ni Herbert, “Well, nag-ano kami, ang huling ginawa ko was with KathNiel, that was during the pandemic, 2021. Gumawa rin ako ng Puto sa TV5, under VIVA.

“So after that, rest.

“Maybe antayin ko lang yung filing ng candidacy. So, pagkatapos, tingnan natin.”

Ang tinukoy ni Herbert na “KathNiel” ay ang dating magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na nakasama niya sa comedy series na The House Arrest of Us.

Ginawa rin niya ang series na Puto sa TV5 noong 2021.

Hindi ba siya nababagot na wala siyang masyadong ginagawa?

Ayon kay Herbert, “Well, maraming nagsasabi, ‘Hindi ka ba nababato?’

“Sabi ko, ‘Hindi.’ Kasi I started working when I was ten years old as an actor and then tuluy-tuloy na, pati government.

“So, I’m enjoying my sanity. I’m enjoying my rest period.”

Ayon pa kay Herbert, isang linggo namang tatakbo ang filing of candidacy at marami pang aasahang mangyayari.

“Hintayin ko lang kasi malayo pa naman, e. A week from now, marami pang usap-usapan, so antayin natin,” aniya.

Na-miss niya ba ang public service?

Sagot ni Herbert, “Hindi naman ako huminto. Oo, hindi naman ako huminto.

“Kapagka may nangangailangan, tumutulong tayo.

“Kapag merong sunog, tumutulong tayo.”

Pero may mga taga-Quezon City na nagsasabing nami-miss daw nila ang serbisyo mula kay Bistek, ang palayaw ni Herbert sa showbiz.

Reaksiyon niya, “Bistek brand, tingnan natin, tingnan natin.

“Ano pa naman, e, we still have, what, ilang araw pa yan, e, kung mag-last day ng filing. So, tingnan natin.”

Naging mayor ng Quezon City si Herbert mula taong 2010 hanggang 2019.

Ilan na sa mga nag-file ng kanilang kandidatura para sa 2025 elections ay sina Enzo Pineda, Ion Perez, Rosmar Tan, at Marco Gumabao.