
Motovlogger na si Yanna Aguinaldo, tinanggap ang hatol ng LTO; naglabas ng pahayag
– Pinatawan ng LTO si Yanna Aguinaldo ng kabuuang multa na Php 7,000 at sinuspinde ang kanyang lisensya matapos mapatunayang lumabag sa ilang batas trapiko gaya ng reckless driving, paggamit ng motorsiklo na walang side mirrors, at kawalan ng plaka sa kanyang ginamit na sasakyan
– Tinanggap ni Yanna ang parusa mula sa LTO ngunit iginiit niyang wala umanong sapat na ebidensya na magpapatunay na siya ang may pangunahing pagkakamali sa insidente na naging viral sa social media
– Hindi siya sumipot sa itinakdang hearing ng LTO at hindi rin dinala ang motorsiklong ginamit sa insidente dahil ayon sa kanya ay hindi ito pagmamay-ari niya, ngunit sinuko naman niya ang kanyang driver’s license bilang pagtalima sa utos ng ahensya
– Sa kanyang pahayag, nanawagan si Yanna ng patas at mas malawak na pagtingin ng mga awtoridad sa mas seryosong mga isyu sa kalsada tulad ng overloaded trucks, mga sasakyang iligal na nakaparada, kawalan ng pedestrian infrastructure, at iba pang mga banta sa kaligtasan ng publiko na madalas ay hindi nabibigyang pansin
Tinapos na ng Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon kaugnay ng viral road rage incident ni motovlogger Yanna Aguinaldo, mas kilala online bilang “Yanna Motovlog.” Isinapubliko ang hatol: multang Php 5,000 para sa paggamit ng motorsiklong walang side mirrors at Php 2,000 para sa reckless driving. Bukod dito, sinuspinde rin ang kanyang driver’s license hangga’t hindi niya naisusuko ang nasabing motorsiklo—na, ayon sa kanya, ay hindi naman sa kanya.

Source: Instagram
Matapos ang desisyon ng LTO, naglabas ng pahayag si Yanna. Sa kabila ng pagtanggap niya sa parusa, iginiit niyang walang sapat na ebidensya laban sa kanya. “I only hope this same level of scrutiny is directed toward more pressing, long-standing issues…” ani Yanna, habang binanggit ang mga seryosong isyung tila hindi nabibigyan ng sapat na pansin ng mga kinauukulan gaya ng overloaded trucks, iligal na paradang sasakyan, at open manholes. Bukod pa rito, nanawagan din siya ng linaw ukol sa pagpapatupad ng batas sa mga trail areas o off-road settings.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin siya sumipot sa itinakdang LTO hearing at hindi dinala ang motorsiklo na ginamit sa insidente. Ang lisensya lamang ang kanyang naisuko. Hindi pa malinaw kung anong hakbang ang susunod na gagawin ng pickup driver na sangkot sa insidente, ngunit ayon sa mga naunang ulat, may intensyon itong ituloy ang kaso.
Si Yanna Aguinaldo, o mas kilala bilang “Yanna Motovlog,” ay isang content creator na kilala sa paggawa ng mga motovlogs—mga video tungkol sa kanyang mga biyahe sa motorsiklo, adventures, at personal na saloobin. Naging bahagi siya ng kontrobersiya matapos ang isang viral road rage incident na nangyari sa Zambales, kung saan maraming netizens ang nagsabing siya ang may pagkukulang. Mula noon, mas naging kritikal ang mga mata ng publiko sa kanyang kilos at pahayag online.
Ayon sa ulat, hindi dumalo si Yanna sa itinakdang LTO hearing na bahagi ng imbestigasyon kaugnay ng viral road rage incident. Hindi rin niya nadala ang motorsiklong ginamit sa video na naging dahilan ng insidente. Ayon sa pickup driver na sangkot sa insidente, itutuloy pa rin nito ang kaso laban sa motovlogger.
Inanunsyo ng LTO ang desisyon na patawan si Yanna ng multa at suspensyon ng lisensya dahil sa paglabag sa batas trapiko. Kabilang dito ang paggamit ng motorsiklong walang side mirrors at reckless driving. Sa kabila ng isyu, hindi pa rin niya naisuko ang motorsiklong sangkot sa insidente.
Source: Motovlogger na si Yanna Aguinaldo, tinanggap ang hatol ng LTO; naglabas ng pahayag