Karla Estrada’s ex Jam Ignacio new girlfriend

Hindi na itinatago ni Jam Ignacio ang pagmamahalan nila ng bagong girlfriend niya, ang DJ na si Jellie Aw.

Si Jam ang dating boyfriend ni Karla Estrada.

Sa kanyang Instagram Story ngayong araw, October 1, 2024, nagbahagi si Jam ng sweet photos nila ni Jellie.

Jam Ignacio, Jellie Aw cozy photos

Sa pangalawang picture ay makikita si Jam na kayakap si Jellie, at may kasama silang ilang kaibigan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Jam Ignacio, Jellie Aw cozy photos

Ang ikatlo naman ay isang Reel na may nakapatong na mga pangako.

Ito ay lyrics ng kantang “Forever and Ever and Always” ng independent artist from Ireland na si Ryan Mack.

Sinaliwan nito ang video nina Jam at Jellie habang nasa loob sila ng sasakyan.

Sabi sa lyrics ng kanta, “I promise, I’m yours, always and forever.

“Through the good and the bad, for worse or for better

“I wanna be with you, for the rest of my days

“I promise I’ll love you”

Jam Ignacio, Jellie Aw cozy photos

JAM IGNACIO, KARLA ESTRADA STILL MUM ABOUT BREAKUP

Nitong nakaraang July 2024, napansin ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram sina Jam at Karla.

Bukod sa nag-unfollow-han na sila sa Instagram, burado na rin lahat ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang accounts.

Kasunod nito ang tila pagpi-flex ni Jam sa kanyang followers ng bagong karelasyon.

Noong August 16, 2024, nag-post si Jam ng sweet photos nila ni Jellie.

Gamit ang isang grid maker app, nag-post si Jam ng litrato nila ng non-showbiz girlfriend.

May siyam na pinagtagpi-tagping larawan, na animo’y puzzle, ang pinost ni Jam na agaw-pansing litrato.

Jam Ignacio with Jellie Aw

Wala itong caption at hindi rin itinag noon ni Jam si Jellie.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Jam at Karla tungkol sa kanilang hiwalayan.

Ang huling post ni Karla tungkol sa kanila ni Jam ay noon pang March 23, 2023.

Sa isang panayam kay Jam noong November 2020, sinabi nitong nakikita niya ang sarili na kasama si Karla habambuhay.