
Alden Richards reveals 2024 was his “lowest year”
Trigger Warning: Mention of depression
Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Alden Richards na dumanas siya ng matinding depresyon noong 2024.
Kung ilarawan nga ito ni Alden, lagpas pa raw ito sa “rock bottom.”
“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there,” pahayag ng Asia’s Multimedia Star sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng GMA Integrated News, Huwebes, Mayo 22, 2025.
Lahad pa ng host ng upcoming celebrity dance competition na Stars on the Floor, walang halos nakakaalam sa kanyang pinagdaanan noong nakaraang taon.
Lalo pa raw tumindi ang kanyang kalungkutan nang pumanaw ang kanyang lolo noong Enero 2025.
Pagbabahagi ni Alden: “I think, last year was my lowest year. Rock bottom.
“It took me six months to get over that.
“That was… ah, hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression.
“Ang galing nga, hindi lang halata. But you know why I’m… Before kasi, di ko siya kaya pag-usapan.
“Kasi hirap ako, e. Ayokong magpakita ng weakness.”

Photo/s: Courtesy: GMA Integrated News on YouTube
Hindi idinetalye ni Alden kung ano ang dahilan ng kanyang depression, ngunit inamin nitong nagdulot ng maraming katanungan sa kanyang sarili ang pagiging “overgenerous.”
Saad niya: “Inuuna ko muna lahat ang tao, e, bago sa sarili ko.
“But last year, medyo… I think that was my breaking point.
“Kasi minsan, di ba tayo, we always go out of our way to help other people.
“Tulong, tulong, tulong, bigay, bigay, bigay.
“Ang nangyari sa akin, paglingon ko doon sa batya, sa timba ko, wala na palang natira sa akin.
“And then that broke me to a million pieces.”
ALDEN RICHARDS on love life: “This is how I want my story to be told.”
Sa ngayon daw, naka-focus muna si Alden sa “self-love.”
Ilan sa pinagkakaalabahan niya ay ang running at biking.

Photo/s: Courtesy: Facebook
Lahad niya: “Yun yung times kasi na when you’re clouded with a lot of negative thoughts, and you’re… alam mong meron kang makasama, alam mong nandiyan ang mga taong nagmamahal sa yo, pero hindi mo maproseso nang tama yung emosyon mo.
“Hindi mo maproseso nang tama yung pag-iisip mo. It’s very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito.”
Nang matanong tungkol sa love life, ayaw raw niyang ma-define sa mga ganitong usapin.
Aniya: “E, I don’t understand. Di ko alam.
“Di ko gets kung bakit ganun ang mindset natin palagi na ang basis ng kasiyahan ng isang tao, e, love life.
“It’s just, this is my story, and this is how my…
“This is how I want my story to be told. Not based on the presumption of other people… I’m so done with that.
“I’ve been here long enough. I know I’ve done so much for the industry, and I would like to do more for the industry right now.”
Source: Alden Richards reveals 2024 was his “lowest year”