Nadine Lustre takes legal action vs malicious attacks against her

Pormal nang nagsampa ng reklamo ang aktres na si Nadine Lustre kaugnay sa patuloy na pangha-harass at pambabastos sa kanya sa social media.

Nitong Miyerkules May 21, 2022, nag-file si Nadine ng paglabag sa Safe Spaces Act laban sa ilang indibdwal at grupong umaatake sa kanya.

Ang Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313, na kilala rin bilang Bawal Bastos Law, ay batas na naglalayong protektahan ang bawat indibidwal laban sa gender-based sexual harassment sa iba’t ibang lugar—kabilang ang mga pampublikong espasyo, paaralan, lugar ng trabaho, at online platforms—mula sa anumang uri ng pang-aabuso o pambabastos.

Suportado ni incoming ML (Mamamayang Liberal) Partylist representative Leila de Lima ang ginawang hakbang na ito ni Nadine.

Si Nadine ay isa sa mga celebrity na nag-endorso sa ML nitong nagdaang eleksyon.

LEILA DE LIMA voices support for Nadine Lustre

Ngayong Huwebes, May 22, ibinahagi ni De Lima sa kanyang official Facebook account ang litrato ni Nadine habang nanunumpa sa harap ng piskal.

Nadine Lustre takes legal action vs malicious attacks against her
Nadine Lustre files a complaint for violation of the Safe Spaces Act amid the “relentless and malicious attacks” against her on social media.

Photo/s: Leila de Lima on Facebook

Kalakip nito ang pahayag niya at ng ML Partylist kaugnay sa buong-buong pagsuporta nila sa aktres.

Ayon kay De Lima, mahalagang bagay ang ginawa ni Nadine sa panahong ginagamit ang social media upang patahimikin ang mga nagsusulong ng katarungan at reporma.

Binigyang-diin din ng dating senador na hindi dapat ginagamit ang kalayaan sa pagpapahayag upang sirain ang katotohanan, dangal, at demokrasya.

Aniya pa, ang mga mapanirang pahayag online ay hindi simpleng opinyon kundi bahagi ng sistematikong paninira at pananakot.

Mababasa sa pahayag ni De Lima: “We at ML Partylist express full support for Nadine Lustre as she files a complaint for violation of the Safe Spaces Act in response to the relentless and malicious attacks she has endured.

“This is a necessary step in a time when social media is being used to silence voices that speak for justice and reform. Ginagamit ang mga plataporma para buwagin ang makabuluhang diskurso at palitan ito ng galit at paninira.

“We believe in freedom of expression. Pero ang kalayaang ito ay hindi dapat gamitin laban sa katotohanan, dignidad, at demokrasya. Expression becomes dangerous when it is driven by disinformation and personal malice.

“Marami sa mga lumalabas sa social media ngayon ay hindi maituturing na opinyon. These are part of deliberate effort to harass, discredit, and instill fear. May masamang intensyon. May malinaw na layunin na patahimikin ang mga tumitindig.”

Sa huli, nagpasalamat si De Lima kay Nadine dahil daw sa tapang at paninindigan nito para sa tama at katotohanan.

Aniya: “We support Nadine. Her case is a stand for truth and accountability. Make no mistake: we will push back against this kind of behavior.

“Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito dapat palampasin.

“Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan.

“Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Nadine tungkol sa pagsasampa niya ng reklamo.

Source: Nadine Lustre takes legal action vs malicious attacks against her