
Kristel Fulgar shares how she knew Ha Su-hyuk was ‘the one’
Ibinahagi ng vlogger na si Kristel Fulgar kung paano niya na-realize na si Ha Su-hyuk na ang kanyang “the one.”
Sa isang interview kay Kristel sa vlog na “Toni Talks,” ikinuwento niya ang effort ng kanyang Korean partner upang magpa-convert bilang isang INC member.
“Nu’ng naging willing siya to convert to my religion po,” sagot ni Kristel matapos matanong ni Toni Gonzaga kung paano nito nalaman na si Su-hyuk na ang “the one.”
Aniya, inabot ng halos 11 months ang naging proseso bago ma-convert si Su-hyuk.
“Medyo mahaba rin po naging process, like hindi ko siya sinsasagot [bago siya ma-convert],” wika niya.
“11 months ata inabot. Sa mga bible studies, present siya lagi, and meron din kaming parang tinatawag naming pagsubok na kailangan mong umattend ng tuloy-tuloy. Wala siyang mintis po do’n,” pagbabahagi niya.
Kwento pa ni Kristel, kahit wala siya sa Korea ay kusa pa ring pumupunta ng church ang kanyang Korean partner.
“Effort po talaga. Kahit wala ko sa Korea ha, tuloy-tuloy lang siya pumupunta po ng church mag-isa niya,” saad niya.
“And isa sa mga reasons kung ba’t siya naniniwala na rin kay God kasi naniniwala siya na gift ako from God. And ako, naniniwala din ako na gift siya ni God sa akin,” dagdag pa nito.
On Korea’s dating culture
Sa naturang vlog, ibinahagi rin ni Kristel ang patungkol sa dating culture sa Korea.
“’Yung dating culture nila [sa Korea], like mabilisan. Parang I like you, you like me, tayo na. Ganun. Wala silang ligaw,” kwento niya.
“’Yun ’yung parang na-appreciate ko po sa kanya, kasi classic type of man po siya. Ayaw niya rin ’yung modern style ng dating kasi sa Korea. Gusto niya, slow burn din. Gusto niya, patient din ang love. And sobrang naappreciate niya ’yung mga values na meron ako,” pagbabahagi niya.
Ayon kay Kristel, willing to wait din sa kanya si Su-hyuk.
“Sobrang patient siya, as in willing to wait talaga,” saad niya.
“Napapatunayan naman din po niya sa akin, kay mama, kung gaano rin po talaga yung love niya para sa akin,” dagdag pa nito.
Matatandaan na ikinasal si Kristel kay Su-hyuk nito lamang May 10, 2025.
Ginanap ang kanilang wedding sa South Korea.
Source: Kristel Fulgar shares how she knew Ha Su-hyuk was ‘the one’