PBBM, nakamonitor kay bagyong Julian

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa pinakahuling galaw ng bagyong Julian.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayon pa lamang inihahanda na nila ang mga kakailanganin sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sa oras na humupa na ang tubig baha, agad aniyang kikilos ang pamahalaan upang ibigay ang pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo.

Kung matatandaan, una nang pinayuhan ng Pangulo ang publiko partikular ang mga residenteng dadaanan ng bagyo, na mag-ingat at manatiling handa.