Andi Eigenmann addresses “pinabayaan ang sarili” tag by netizens

Sinagot ni Andi Eigenmann, 34, ang paulit-ulit niyang nababasa’t naririnig mula sa netizens na nagsasabing pinabayaan na raw nito ang kanyang sarili simula nang manirahan siya sa Siargao.

Matagal nang naninirahan si Andi sa Siargao para i-enjoy ang simpleng buhay kasama ang partner niyang si Philmar Alipayo at mga anak nilang sina Ellie, Lilo, at Koa.

Noong May 17, 2025, nag-post ng isang video sa Instagram si Andi para ipakita sa kanyang followers ang pag-aayos niya sa sarili.

Simula sa paglalagay ng hair mask at skincare sa mukha gaya ng sunscreen at lip balm, bago siya sumalang sa initan para mag-surfing.

Andi Eigenmann dedicates new tattoo to late mother Jaclyn Jose
Andi Eigenmann dedicates new tattoo to late mother Jaclyn Jose.

Photo/s: Andi Eigenmann on Instagram

Ayon kay Andi, bagamat madalas siyang nasa arawan ay gumagawa siya ng paraan para maprotektahan ang sarili mula sa matinding sikat ng araw sa isla kung saan sila naninirahan.

Ito raw kasi ang nakaligtaan niyang gawin noon kaya naman bumabawi siya ngayong maglagay at magpahid ng proteksiyon sa balat.

Mababasa sa kanyang caption (published as is): “For the most assumed assumption about me: ‘pinabayaan nya talaga ang sarili nya’ (‘she let herself go when she move to the island’)

“People often assume that just because I love being under the sun or in the ocean, I don’t care about my skin’s health.

“PSA it’s not the sun itself that ruins your skin—it’s neglecting to protect it.

“This is exactly why I make the effort to care for it even more.

“Sometimes I would still forget but now that I’ve been 27 for 7 years now, I am making it a point to always remember!”

NETIZENS DEFEND ANDI FROM BASHER

Sa comments section ng post ni Andi, marami sa netizens, partikular na ang kanyang fans, ang nagtanggol sa aktres mula sa bashers.

Ayon sa mga ito, maaaring hindi pa sanay ang ilan na makita ang mga celebrity na tulad ni Andi na walang make-up sa labas.

Komento ng isang netizen (published as is): “They assume cos they expect an island girl to be all glammed up with make-up and all that they used to see on you way back your city/active actress era..but real beauty and glam is by being you and not allowing societal standards define You. Stay that beautiful you, gorgeous island lady!”

Saad pa ng isa: “Island queen! That background, like you ,is Gorgeous!”

Sabi pa ng isa (published as is): “For sure inaatake namn sya dahil sa physical looks na hindi nagaayos. Keri lang kahit ganyan na look niya maganda pa din si Andi. Yun mga haters kahit anong gawin ayos chaka pa din.”

“She didn’t really pabaya herself! I’ve been to siargao, i think it’s the best decision she’d made,” dagdag pa ng isa.

Hindi ito ang unang beses na pumalag si Andi sa mga bumabatikos sa kanyang hitsura.

Noong September 2024, isang basher ang nagkomento sa isang larawan ni Andi sa Instagram.

Sinabihan ng basher si Andi na “dugyot” at tila napapabayaan na raw nito ang sarili.

Buong komento ng basher (published as is), “Maganda ka nga andie sana uwag mo pabayaan sarili mo sabi nila naging dugyot kana sayang naman pinalaki ka ng mama mo na halos di madapuan ng lamot at langaw now dugyot ang sabi nila syo”

Imbes na sumagot si Andi, ini-screenshot niya ang komento ng basher at ibinahagi sa kanyang Instagram Story.

Caption niya, “HELLLLPPPPPP MEEEEE. i kenet breatheeeee [laughing in tears emojis].”

Source: Andi Eigenmann addresses “pinabayaan ang sarili” tag by netizens