
Three daring actors star in Dante Balboa’s latest directorial job
Ibinunyag ni Direk Dante Balboa sa Facebook nitong mga nakaraang araw na tampok sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, at Paolo Gumabao sa bagong project ng Bentria Productions na Walong Libong Piso.
Palaban sa hubaran ang tatlo.
Nag-frontal nudity si Paolo sa launching movie na Lockdown, ganoon din si Jhon Mark sa VMX film na Sisid Marino.
May mga litrato pa si Jhon Mark na naka-white brief lang sa kama, at may PHP8,000. Pinost iyon sa FB ng manager niyang si Lito de Guzman.
Sa salitang Libong sa titulo ay mas maliit at ibang font ang titik na “n.” Anong klaseng project ba ito?

“Gagawin muna yung play. Ire-rehearse namin yun for two months. Tapos magkakaroon ng run na three consecutive weekends,” sabi ni Direk Dante.
“So, siguro mga 30 runs, ganyan, 30 shows. Tapos pagka perfect na perfect na nung actor — kasi one actor lang siya, e — it’s a challenging play.
“Kasi hindi siya monologue. Istorya talaga siya.
“Tapos pag na-shoot na iyan, hindi lang yung aktor ang dapat may memorized dun sa lines.
“Pati yung cinematographer, you get it? Meaning to say, pati si cinematographer, ire-rehearse. Kasi walang editing.
“One-shot film. So, kung tumakbo siya ng isa’t kalahating oras, isa’t kalahating oras talaga siya.
“Kaya sabi ko nga kay Sir [producer Engr. Benjie Austria], ‘Sir, malaki yung edge nito na mapansin sa mga awards.’
“Siyempre, di ba? Isang artista lang, walang editing. Pag napabilib mo yung audience mo sa ganun, puwedeng i-consider yon.”
WALONG LIBONG PISO
Tungkol saan ba ang Walong Libong Piso?
Napangiti ang dating sexy star na nakapagsulat na ng mahigit 100 scripts: “It is a psychological play. Mapapaisip yung audience. Sino ang nanloko, sino ang naloko?
“Sino ang nang-isa, sino ang naisahan? Tapos it’s a sexy play. So, may konting hubaran. Tungkol siya sa pagpepresyo.
“Ang second character kasi doon, hindi nakikita. So that’s the reason why one-character film or play siya.
“Kasi yung second character, kausap lang sa cellphone. So, iyong kausap sa cellphone…
“Yung role ng bida, aktor. So , naka-receive siya ng call from a stranger. Tapos, nagpresyuhan sila.
“So, nagtawaran. So, umabot sa walong libong piso. Kung bakit walong libo, kasi, eight inches yung kanya.
“So ibig sabihin, sabi niya, ‘O, sige, one thousand na lang per inch.’ Parang ganyan, that’s why, eight inches, eight thousand.”
Nakatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Dante noong Abril 22, 2025, sa World’s Kitchen, Gateway Mall, Cubao, Quezon City, matapos ang celebrity premiere ng pelikulang Fatherland.
BASED ON REAL LIFE?
Dating artista si Direk Dante.
Kabilang sa sexy movies na ginawa niya ang Kasiping, Karelasyon, Temptasyon, at Takaw Tingin.
Base ba sa totoong buhay niya ang Walong Libong Piso?
Natawa si Direk Dante: “Ha! Ha! Ha! Abangan. Abangan… abangan! Ha! Ha! Ha! Basta abangan! Ha! Ha! Ha!
“Kaya Walong Libong Piso, kasi nag-deal sila sa walong libo. Pero may twist yun, ha? Kasi, yun na nga.
“Kumbaga, sino ang nanloko, sino ang naloko.”
May sexy movie na sana noon na Ocho starring a bold actor, pero hindi iyon natuloy.
Dagdag ni Direk Dante, “Iyong 8, di ba, dalawang bilog? So, magandang ano siya…”
ON SEXY SCENES
Natapos na ni Direk Dante ang directorial debut niya, ang pelikulang Graduation Day starring Jeric Gonzales and Elizabeth Oropesa. May sexy scene dito si Jeric.
Itong Walong Libong Piso ang kasunod na project niya, na may mapangahas ding eksena.
“Hindi ko nga maintindihan sa mga nagpa-sexy kung bakit… bakit… sorry for the word na… ang ‘eengot’ sumagot,” lahad ni Direk Dante.
“Na parang mortal sin ba yung magpa-sexy? E, kung sexy ka naman, di ba? I mean, anong masama doon, e, hindi naman pornographic ang ginawa mo?”
Singit ni La Oropesa, may mga artista talagang “bobo.”
Pag-ayon ni Direk Dante: “Yun ang problema. Nadadamay ang iba. Kasi, biruin mo ba naman, hindi alam sagutin, tapos iiyak-iyak.
“Ano iyon? Ba’t ganun? E, hindi naman pornographic ang ginawa mo. Sa abroad nga, may porno stars na architect, doktor.
“Ibig sabihin, anong meron sa pag-iisip nila? Ibig sabihin, philosophical silang mag-isip.
“Nabasa ko iyong ibang interviews sa mga porno actors, gusto nila kasi minsan lang sila mabubuhay sa mundo.
“Tapos gusto nila, yung body nila, epitome na role model din sila in the sense na name-maintain nila yung…”
PORNO ACTOR
Ginusto ba niyang maging porno actor?
“Ganito, kasi noon may pinsan ako na naalok ng porno. Kasi ewan ko, nasa lahi namin siguro, malalaki ang t*t*,” pagsisiwalat ni Direk Dante.
“Tapos naalok siya na mag-porno. Alam mo ang naging reason lang kung bakit umayaw siya? Kasi pamilyado.
“Pero to be honest with you naman, sa psychology, nae-entertain sa thought natin yan.
“Ang nagiging hadlang lang diyan is yung kultura natin. Una, siyempre may mga pamilya tayo na una nating iniisip at kino-consider more than us.
“Pero kung lahat lang tayo, putok sa buho, ay! Andami nang nag-go diyan sa ganyan. Bakit?
“Walang halong kabastusan, kung malaki yung sa iyo, e, di proud ka pa nga nun, di ba?
“Tsaka yung iba, pintas, pintas, pintas. Pero lahat naman tayo, may kal*b*gan sa katawan, di ba?
“Yung kino-comment-an nila, pinag-aanuhan nila. Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba, you get my point? Ano iyon, di ba?
“At higit sa lahat, kung walang gagawa sa mga ganun, wala tayong napapanood. Di ba?
“Ibig sabihin, nakakatulong din yun, di ba? Kasi ang Pilipino kasi, hypocrite. Ganito, ganyan, ganyan.
“Pero tingnan mo, magsasalang naman ng bold, manonood pati. Based sa research, ha, napakataas ng Pornhub, ang taas ng viewership niyan sa Pilipinas.
“Kasi, tatlo lang naman umiikot ang buhay ng tao, e, di ba? Love, lust, and power, di ba?
“Sa tatlong iyan, diyan nagpapang-abot, nagmi-meet halfway ang all walks of life.
“Ang mayaman sa mahirap puwedeng magpang-abot because of lust, di ba?
“Kasi ako mayaman, may nakita akong babae, mahirap. Pero puwede kong makuha siya sa pamamagitan ng pera. Di ba, sa libog?
“Iyon yung tatlong yun, e, love, lust, and power. Diyan umiikot ang buhay ng tao sa mundo.”
Source: Three daring actors star in Dante Balboa’s latest directorial job