
Chito Miranda on staying by Naig Naig’s side during her detention
Itinuturing ni Chito Miranda na isang traumatic experience para sa kanilang pamilya ang pinagdaanang legal battle ng asawang si Neri Naig Miranda.
Sa vlog ng broadcaster na si Bernadette Sembrano na lumabas kahapon, May 18, 2025, sinabi ni Chito na patuloy pa ring nagpapagaling si Neri mula sa trauma na naranasan nito.
Pahayag ni Chito: “Up to now, Neri’s still healing from it ’cause it was a traumatic experience.
“I never left her side. Talagang, siyempre, there were parts there that I wasn’t allowed to be there with her. I’d be outside lang.
“So, basically, tumira ako sa police station for the whole duration [of the case].
“That was around two weeks. I never went home.
“Hindi ako umuwi hangga’t hindi kami sabay umuwi.”
Ang tinutukoy ni Chito ay ang halos dalawang linggong pagkakakulong ni Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory noong November 2024.
Pagkatapos ng ilang araw, sa ospital naman namalagi si Neri ng halos sampung araw.
Kaugnay ito ng patung-patong na kasong isinampa ng investors ng Dermacare, kabilang na ang 14 counts of violation of the Securities Regulation Code at syndicated estafa, laban kay Neri.
CHITO MIRANDA ON LESSONS IN LIFE
Ayon kay Chito, namumuhay na sila ngayon nang tahimik matapos malampasan ang matinding pagsubok na iyon sa kanilang buhay.
Ibinahagi rin ni Chito ang natutunan niya sa mga nangyari sa kanila.
Saad niya: “First, maging kind. Na maging mabait lang even if the world is not kind.
“Just be kind.
“Kasi, kahit mukhang we’re so exposed sa social media na nakalabas yung mind ng mga tao, when you go out sa real world, the world is still beautiful.
“Yun ang gusto kong pakita.
“Tapos, isa din is just to have faith na kung anuman mangyari, kung anuman yung nangyayari, kung anuman yung pinagdadaanan mo, everything happens for a reason. It’s a blessing in disguise.
“Kahit hindi mo maintindihan, and you don’t even need to understand what happens.
“Just have faith na, ‘Okay lang di maintindihan kasi si God naintindihan. Alam ni God yan.’
“Parang ganun. So, mas madali yung approach sa life.”
Ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 ang kasong syndicated estafa na inihain laban kay Neri noong March 4, 2025.
Noong March 6, 2025, nag-renew ng kanilang wedding vows sina Neri at Chito sa okasyon na rin ng kanilang 10th wedding anniversary.
Photo/s: Courtesy: Nice Print Photography / Instagram
Source: Chito Miranda on staying by Naig Naig’s side during her detention