Arkin del Rosario’s Instagram hacked; nude pics, videos go viral

Kumalat online nitong mga nakaraang araw ang mirror selfies at risque videos ni Arkin del Rosario.

Naka-display ang kanyang private part, at naka-indicate na kinunan ang mga iyon noong Mayo 11, 2025, Linggo.

Naka-post ang mga photos at videos sa mismong Instagram account ni Arkin.

Anong nangyari?

“My IG was hacked,” pagtatapat ni Arkin sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Mayo 17, Sabado, sa isang coffee shop sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Yung mga pribadong larawan at videos na kung saan ay hindi dapat inilalabas ay nakita sa social media ng public.

“Uhm, I wasn’t aware of what was happening or kung ano yung nangyari.

“Pero nagpapasalamat ako sa mga kaibigan na concerned…

“Hindi ko alam kung anong nangyari, pero sa tingin ko, matagal nang hacked yung Instagram ko.

“Mga two weeks ago ko lang nalaman na nag-iba yung numero or numbers ng Instagram ko.

“Alarming! That’s why we need extra security when it comes to our phone, our social media accounts. Kailangan natin diyan ng tight security.”

CURRENT STATUS OF ARKIN DEL ROSARIO’s INSTAGRAM ACCOUNT

Na-hack last year ang IG ng isang content creator-BL (Boys’ Love) actor, at na-post doon ang mirror selfies na exposed ang kahubdan nito.

Ayon sa isang malapit sa BL actor, ang hacker ay taga-ibang bansa, at nagbayad ang BL actor upang mabawi ang IG account nito.

Sa kaso ni Arkin, na nagbida sa dalawang BL series noong 2020, ano na ang status ng kanyang IG account? Nabawi na ba niya?

Napabuntong-hininga si Arkin: “As of today, wala iyong account ko. Hindi ko mabuksan—Facebook account, Instagram account. Hindi ko mabuksan ngayon.

“Although, ginagawan ng paraan. Pag may mga ganoong incident, ginagawan ng paraan.”

Sa kasalukuyan, heto ang mababasa kapag hinanap ang account ni Arkin sa Instagram:

“Sorry, this page isn’t available. The link you followed may be broken, or the page may have been removed. Go back to Instagram.

Hindi naman siya mahanap sa Facebook.

ARKIN DEL ROSARIO’s HACKED ACCOUNT, NOT A GIMMICK

May mga nagduda na siya mismo ang nag-post ng intimate videos at photos.

“Hindi po totoo iyan!” bulalas ni Arkin.

Nagtalop kasi nang lubos si Arkin sa Vivamax film na Table For 3.

Arkin del Rosario and 
Topper Fabregas in Table for 3 movie
Table Sor 3 movie poster

Photo/s: VMX

May mga nag-akala na magiging adult content creator na siya, at gagawa ng account sa Only Fans, Just For Fans, at Fanly.

“Wala po. Hindi po totoo iyan.”

Ano ang naramdaman niya nang malamang kumakalat ang mga litrato at video niya kung saan naka-display ang kanyang pagkalalaki?

“Nagulat. Nagulat ako. Ahh…”

Ano ang reaksiyon ng mga kaibigan at kakilala niya?

“Messages. They sent messages. Nag-send po sila ng mga message, at doon ko nalaman na hacked yung Instagram,” malumanay na tugon ni Arkin.

“May humahawak na. May ibang humahawak ng account.”

ARKIN DEL ROSARIO ON NUDE PHOTOS, VIDEOS

Marami nang kumalat online before na mga litratong hubad o pribadong video ng pagpapaligaya sa sarili o pakikipagtalik.

Bakit kinunan pa rin niya ang sarili na naka-expose ang kanyang kahubdan? Bahagi ba iyon ng pagiging adventurous? Ano ang dahilan?

Napapikit si Arkin at tila tinimbang na mabuti ang sasabihin, “Tinitingnan ko lang po ang progress ng katawan ko.”

If ever ba, kaya niyang maging mas mapusok o mapangahas sa susunod na project? Mas matindi kaysa sa ipinakita niya Table for 3?

“Konserbatibo po tayo. Pag gagawin ko yung mga ganung klaseng bagay, ah, pribado lang po. Sa kasintahan lang,” sambit ng 33-year-old actor na nangarap maging pari noong siya ay bata pa.

ARKIN DEL ROSARIO’s MESSAGE TO THE HACKER AND THOSE whose accounts got hacked

Ano ang masasabi niya sa mga hacker?

“Ha?! Good luck! God bless,” napangiting sagot ni Arkin.

Ano naman ang mensahe niya para sa iba na biktima rin ng hacking?

“Hindi lang yung mga naha-hack, lalung-lalo na rin yung mga… galing tayo sa pandemya,” lahad ni Arkin.

“Grabe ang pinagdaanan natin—mental health, psychological health. Uhm, hindi natin ina-advise na yung cyberbullying…

“Yung pangingialam sa pribadong buhay, larawan or litrato ng ibang tao lalo na kung walang consent nila at hindi nila alam.

“Kapag nalaman nila, may karapatan silang magsalita. May karapatan kang magreklamo. May karapatan kang sabihin, i-express kung ano yung nararamdaman mo kahit kanino.

“Your family should be your safe place, your safe space. Your true friends, kailangan nandiyan sila.

“Yung support system, kailangan matatag, matibay.”

In short, hindi niya iniisip na bukod-tangi ang kanyang sitwasyon.

“Maraming dumadaan sa ganitong klaseng pagsubok.

“Yung mga naha-hack. Yung mga pagkatapos malaman na hina-hack, sila yung tinatakot pa. Hindi tama iyon.

“Magsalita. Kailangan mong magsalita. Huwag kang magpapasindak. Huwag kang magpapatakot.

“At kung sabihin nila na meron kang reklamo dahil napalakas yung boses mo, napasigaw ka dahil sa pinagdaanan mo na iyan—it’s valid.

“It’s a valid reason. It’s a valid emotion. Karapatan mo na i-express kung ano yung nararamdaman mo.”



Source: Arkin del Rosario’s Instagram hacked; nude pics, videos go viral