Lovella Maguad, binigyang-pugay ang MMK cast sa muling pag-alala sa anak niyang sina Gwynn at Boyboy

-Naglabas ng emosyonal na mensahe si Lovella Maguad sa social media matapos mapanood ang MMK episode

-Pinuri niya ang aktor at production team, lalo na si Miguel na gumanap bilang Boyboy

-Binanggit ni Lovella na hindi pa nakakauwi si Ate Gwynn mula sa China

-Kasabay ng pasasalamat, nagbalik-tanaw siya sa sakit ng pagkawala ng dalawang anak

Nag-umapaw ang emosyon ni Lovella Maguad, ina ng mga pinaslang na Maguad siblings, sa social media matapos mapanood ang unang bahagi ng Maalaala Mo Kaya (MMK) special episode na tampok ang trahedya ng kanyang pamilya. Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Lovella ang saya at sakit na naramdaman habang pinapanood ang reenactment ng buhay ng kanyang mga anak na sina Crizzle Gwynn at Crizville Louis “Boyboy” Maguad.

Lovella Maguad, binigyang-pugay ang MMK cast sa muling pag-alala sa anak niyang sina Gwynn at Boyboy
Lovella Maguad, binigyang-pugay ang MMK cast sa muling pag-alala sa anak niyang sina Gwynn at Boyboy (📷Cruz Jr Maguad/Facebook)
Source: Facebook

“Overwhelming feeling meeting with our beloved Boyboy….maraming salamat Miguel for letting us hugged you all the way,” ani Lovella. Ayon pa sa kanya, napakasarap ng pakiramdam na muling mayakap si Boyboy sa pamamagitan ng MMK episode. Bagamat hindi pa nakakauwi ang isa pa nilang anak na si Ate Gwynn mula sa China, ramdam pa rin ni Lovella ang kabuuan ng kanilang pamilya sa eksenang ipinakita ng MMK.

Lubos ang pasasalamat ni Lovella sa mga taong bumuo ng episode, kabilang sina Mam Charo, Mam Rhoda, at aktres na si Dimples Romana. “Maraming Salamat MMK (Mam Charo, Mam Rhoda and Dimple) sa opportunity,” ani Lovella, sabay gamit ng hashtag na #BeyondgratefultoyouLord.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit hindi lang pasasalamat ang laman ng kanyang mensahe. Sa hiwalay na bahagi ng kanyang post, muling nabuksan ang sugat ng kanyang damdamin ukol sa naging papel ni Janice—ang itinuring nilang anak-anakan—sa karumal-dumal na krimen. “Sana Janice kung nakontento ka lang sa binigay namin sa’yo masaya sana tayong lahat ngayon,” ani Lovella. “Mas gugustuhin namin na makita ka kasama nila na magtagumpay.”

Ang Maguad family ay nakilala sa kanilang kabutihang-loob, lalo na sa pagtanggap kay Janice bilang bahagi ng kanilang tahanan. Ngunit noong Disyembre 2021, gumuho ang lahat nang si Janice ay umamin na isa siya sa mga nasa likod ng brutal na pagpaslang kina Gwynn at Boyboy. Ayon sa ulat, matinding selos at galit ang motibo sa krimen. Hanggang ngayon, patuloy na humihingi ng hustisya ang pamilya Maguad para sa kanilang mga anak.

Si Lovella Orbe Maguad ay ina ng Maguad siblings na sina Crizzle Gwynn at Crizville Louis “Boyboy” Maguad—mga biktima ng karumal-dumal na krimen sa M’lang, North Cotabato noong Disyembre 2021. Kilala ang pamilya Maguad sa kanilang pagmamalasakit at bukas-palad na pagtanggap sa isang dalagitang kinupkop nila na kalauna’y naging suspek sa pagpatay sa dalawang anak. Sa kabila ng matinding pagdadalamhati, nananatili si Lovella na matatag sa paghahanap ng hustisya at pagbibigay-pugay sa alaala ng kanyang mga anak.

Matatandaang ibinahagi ni Lovella na tila may “divine intervention” sa pagkakapili kay Criza Taa bilang aktres na gaganap sa kanyang anak na si Gwynn sa MMK. Napag-alamang may matagal nang admiration si Gwynn kay Criza na kanyang ipinost pa sa Facebook isang buwan bago siya pumanaw. Ayon kay Lovella, ang pagkakatuklas ng koneksyon na ito ay nagpatayo ng balahibo ng mga tao sa production team.

Sa hiwalay na ulat ng KAMI, tampok ang mas personal at masakit na pahayag ni Lovella kung saan kanyang sinariwa ang sakit ng pagkawala at pagkabigo sa taong kanilang tinuring na pamilya. Binanggit niya na kung nakontento lamang si Janice sa kabutihang ibinigay sa kanya, sana’y masaya pa rin ang kanilang pamilya ngayon. Sa halip, tinitiis nila ang sakit habang paulit-ulit na tinitingnan ang mga lumang larawan at video ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!



Source: Lovella Maguad, binigyang-pugay ang MMK cast sa muling pag-alala sa anak niyang sina Gwynn at Boyboy