
Luis Manzano teases return to hosting after election loss
Magbabalik na ba sa TV hosting si Luis Manzano?
Ito ang tanong ngayon ng netizens matapos mag-post ni Luis sa Instagram patungkol sa game shows ng ABS-CBN kung saan siya ang host.
Tanong ni Luis sa kanyang followers nitong Huwebes, May 15, 2025: “Ano mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble, Deal or No Deal, or Minute to Win It?”
NETIZENS REACTION
Sa comments section ng post ni Luis ay maraming netizens, pati ang ilan niyang kaibigan sa showbiz, ang sumagot sa kanyang tanong.
“Rainbow Rumble” ang gusto ng asawa niyang si Jessy Mendiola at malapit na kaibigang si Melai Cantiveros.
“Minute to Win It” ang sinangguni ni Daniel Matsunaga.
“Yung tatlo,” saad naman ni John Prats
“It’s Your Lucky Day” naman ang gusto ng Kapamilya host ding si Robi Domingo kahit wala ito sa pagpipilian.
Ang It’s Your Lucky Day ang huling show ni Luis bago siya panandaliang magpahinga at mag-focus sa pagba-vlog sa kanyang YouTube account.
Ang It’s Your Lucky Day ang panandaliang humalili sa It’s Showtime sa loob ng labindalawang araw, bunsod ng suspension order na ipinataw ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) laban sa Kapamilya noontime show noong October 2023.
Komento pa ng isang netizen (published as is), “Dahil yan ang forte mo, diyan ka magaling at narerecognize, kahit ibalik mo pa lahat ng show mo. Wag mo ng pasukin ang magulong mundo ng politics, para narin sa peace of mind ng family mo.”
Dagdag pa ng isa (published as is), “Stay out of dirty politics…You are such a very nice guy to be there…You have a clean heart and God wants you to stay pure!!!”
LUIS losES in BATANGAS vice-gubernatorial race
Ang haka-hakang pagbabalik sa TV hosting ni Luis ay nangyari matapos niyang matalo sa pagka-bise gobernador ng lalawigan ng Batangas nitong 2025 midterm elections.
Tinalo si Luis ni incumbent Batangas Governor Dodo Mandanas.
Nanalo naman ang ina niyang si Vilma Santos bilang governor ng Batangas.
Maging ang kapatid niyang si Ryan Christian Recto ay nahalal din bilang kongresista sa ika-anim na distrito ng lalawigan.

Photo/s: Facebook
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang katiyakan kung magbabalik na nga ba si Luis sa paghu-host.
Source: Luis Manzano teases return to hosting after election loss