
Maymay Entrata’s mother Lorna Entrata dies at 53
Ipinagluluksa ng Kapamilya star na si Maymay Entrata ang pagpanaw ng inang si Lorna Entrata.
Si Lorna ay 53 anyos.
Ilang taon siyang nakipaglaban sa sakit na kanser.
MAYMAY ENTRATA PAYS TRIBUTE TO HER MOTHER
Sa Instagram ngayong Biyernes, May 16, 2025, isang Reel ang ibinahagi ni Maymay sa Instagram.
Ang nilalaman nito ay ang video nila ng ina habang namamasyal sa countryside ng Japan noong 2024.
Mapapansing terno ang suot nilang sports gear.
Sa Japan nakabase si Lorna dahil nagtatrabaho ito roon.

Photo/s: Courtesy: Instagram
Sa caption ni Maymay, nagbigay-pugay siya sa pumanaw na ina.
Ibinahagi ng actress-singer kung gaano raw siya kasuwerte na si Lorna ang kanyang ina.
Saad ni Maymay (published as is): “Mahal kong Inay, Isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko.
“Matapang mong hinarap ang lahat ng pagsubok at sakrpisyo para maitaguyod kaming buong pamilya.
“Mamimiss kita Inay, mamimiss ko ang taong nagmahal at habang buhay mamahalin ako ng buo.
“Sayo ko natutunan ang mag mahal ng walang kapalit at habang buhay dala dala ko lahat ng natutunan ko mula sayo.
“Maraming salamat sa iniwan mong kayamanan Inay, Kayamanang hindi galing sa lupa pero kayamang galing sa pagmahahal ng walang katumbas.
“Mahal na mahal kita Inay ko at wala akong pinagsisihan sa lahat ng sakrpisyo kong makita ka lang maging masaya lagi. Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong Inay.”
Ayon pa kay Maymay, ang bonding nila ng ina sa Japan ang isa sa pinakamahalagang yugto ng kanilang buhay.
Kaya payo ni Maymay sa kanyang followers: “Ps. Eto ang isa sa mga huli kong sinabi kay Inay bago siya pumanaw kaya hangga’t maaari, kasama n’yo pa ang mahal n’yo sa buhay.. yakapin nyo sila, iparamdam nyo kung gaano nyo sila kamahal, at huwag n’yong sayangin ang kahit isang araw na hindi ipinapakita po yon.
“Sapagkat darating ang araw na ang mga yakap ay alaala na lang, at ang mga salitang hindi nasabi ay magiging bigat sa puso. Huwag kayong maghintay ng huli bago magsimulang magmahal nang buo.”
Hindi binanggit ni Maymay kung kailan pumanaw ang kanyang ina.
MOMMY LORNA’S 50TH BIRTHDAY
Sa ika-50 kaarawan ng ina noong January 17, 2022, ipinahayag din ni Maymay kung gaano niya kamahal ang ina sa pamamagitan ng Instagram post.
Ipinangako rin niya noong susuklian ang lahat ng mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.
Mensahe ni Maymay sa wikang Bisaya: “Happy 50th Birthday Ma, tiguwang naka ma kay singkwenta ka naman [Happy 50th Birthday Ma, matanda ka na kasi singkuwenta ka na]”
“Bitaw ma, Habang buhay nako suklian ang tanan nimong kahago ug sakripisyo na imong gihatag kanamo [BTW Ma, habambuhay kong susuklian ang lahat ng pagod at sakripisyo na iyong ipinamalas para sa amin].
“Hinaot unta na dili ka makalimot na ikaw ang pinaka importante sakong kinabuhi [Umaasa akong hindi mo makalimutang ikaw ang pinakaimportante sa lahat sa aking buhay].
“Salamat ma kay naa ka permi andam modawat ug mosuporta sa tanan nakong desisyon [Salamat at andiyan ka lagi, handang tumanggap at sumuporta sa lahat ng aking desisyon].
“Dili nako malimtan ang mga panahong sawi ko pero ikaw ra ang nakasabot nako [Hindi ko makakalimutan ang mga panahong natalo ako pero ikaw lang ang nakakaintindi sa akin].
“Busa hinaot na magmalipayon ka permi ma kay imong kalipay ang akong kusog sa tanan na tatahakin ko [Kaya sana lagi kang maging maligaya dahil ito ang magiging lakas ko sa lahat ng tatahakin ko sa buhay].
“Gihigugma kaayo tika ma. Happy Birthday [Mahal na mahal kita, Ma. Happy Birthday]”
Source: Maymay Entrata’s mother Lorna Entrata dies at 53