Meet Cristopher Diwata, the man behind “What hafen, Vella?” trend

Bukambibig ngayon ang linyang “What hafen, Vella?”

Mula ito sa dialogue na binitawan ni Cristopher Diwata nung sumali siya sa “Kalokalike Face 2” segment ng It’s Showtime.

Ginaya niya si Jacob Black, ang karakter ng Hollywood actor na si Taylor Lautner sa famous film series na Twilight.

Nag-viral si Cris (palayaw ni Cristopher) dahil sa pagkaka-deliver niya ng linya ni Jacob.

Pero ang nakakamangha: taong 2013 pa noong sumali siya sa popular segment ng ABS-CBN noontime show.

its showtime
A young Cristopher Diwata (in black leather jacket) during his appearance on It’s Showtime’s Kalokalike Face 2 segment in 2013.

Photo/s: ABS-CBN

CrisTOPHER Diwata becomes an internet sensation

After 12 years, sumikat si Cris sa social media at mainstream news, kung saan kaliwa’t kanan ang kanyang interviews.

“Masaya po. Overwhelmed. Natutuwa ako sa mga komento ng mga tao na magaganda,” ang bungad ni Cris sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Huwebes, May 15, 2025.

Dumagsa rin ang offers ni Cris for collabs and commercials with companies—kabilang ang fast-food chain, major online shopping, coffee shop, electric appliance, at cargo services.

“Malaking pagbabago kasi after one week pa lang po, nag-viral po yung video, may mga offers na magkaroon ng endorsements. Malaking tulong po para sa akin.”

Si Cris, 34, taga-Orion, Bataan, ay fish dealer ngayon. May asawa siya at dalawang anak.

Nang sumali siya sa “Kalokalike Face 2,” isa siyang 23-year-old student.

Cristopher Diwata on going VIRAL

At press time, may dalawang linggo na mula nung nag-viral ang lumang video ni Cris.

Paano niya nalamang nag-viral siya?

“Marami po nagsabi sa akin, classmate ko po, mga kaibigan, kakilala. Then tsinek ko po yung sinasabi nila, doon ko nakita…”

Sa pagkakaalam daw niya, ang lumang video ay ipinost ng kilalang social streaming platform at ni-repost ng ABS-CBN.

“Mula po noon, yun, nag-trend na po siya na nag-trend. Parang nahukay sa ilalim ng lupa na lumalabas ngayon.”

Cristopher Diwata guitar
Cristopher recalls that when he was younger, his friends often said he looked like Taylor Lautner.

Photo/s: Cristopher Diwata

CRISTOPHER DIWATA ON JOINING KALOKALIKE FACE 2

Kuwento ni Cris sa PEP, katuwaan lamang noong sumali siya sa celebrity look-alike segment ng It’s Showtime.

Napansin daw ng kanyang mga kaibigan na kahawig niya si Taylor Lautner, at kasagsagan noon ng kasikatan ng Twilight film series.

“Naudyukan lang po talaga, kaya po gano’n din yung talent ko kasi pilit na pilit po iyan. Pinag-aralan ko siya saglit, nag-audition, ‘tapos salang ka agad,” pagbabalik-tanaw ni Cris.

Hindi naman niya iniinda ang pangungutya ng netizens sa social-media.

Aniya, “Kailangan meron kang ma-memorize ka agad. Ginawa ko yung best ko kaya parang pilipit ang dila.

“Pero okay naman. Kundi dahil dun, di ako magba-viral. Pasalamat po ako dun.

“Naitago po yung ko na iyon, ngayon po, lumitaw.”

Malinaw raw sa alaala ni Cris ang kanyang naramdaman nang sumalang siya at mapanood sa national TV.

“Ano po ako noon, blangko… Parang nasa stage po ako noon, lahat po talaga, washed out yung mga nangyari. Pagbaba ko parang, ‘Uy, tapos na pala.’ Gano’n po talaga.

“Kasi first time ko sumalang sa stage na pangmalakihan. Kaya parang shocked na shocked. Kaya hindi po ako makasagot, parang gano’n po. Parang hindi ko sila marinig, hindi ko maintindihan yung mga tinatanong nila, mga gano’n po.”

Umabot daw si Cris sa Top 10 mula sa 72 finalists.

Hindi man siya ang nanalo, nagbukas iyon ng pinto para kay Cris, na passion ang pagpe-perform.

“Malaking experience po yun. Mula po non pinursue ko na. Masarap pala. Masarap pala maging kilala.

“Mahilig talaga akong umakting bata pa lang ako. Mahilig po ako sa mga role play, dancing, singing…

“Sports hindi po ako mahilig.”

CRISTOPHER DIWATA ON what he had to sacrifice after KALOKALIKE FACE 2 stint

Nang sumali sa It’s Showtime, third year college siya sa Limay Polytechnic College at kumukuha ng kursong Education, major in Mathematics.

Pero noong medyo naging busy, natigil siya sa pag-aaral.

“Kasi kumita ng konti. Akala ko po, okay na kaya napabayaan ko po ang pag-aaral ko,” pag-amin ni Cris.

“Nung babalik na po ako, nagbago na po yung curriculum. Wala po akong maike-credit o kung meron man, kokonti. Kaya di ko na siya itinuloy.”

Nakaramdam daw ng pagsisisi si Cris dahil hindi nito natapos ang pag-aaral.

Pero masaya naman daw siya na nakagawa ng ilang indie movies.

Kalaunan, tumigil ang mga offers at bumalik na siya sa Bataan para maging fish dealer.

May panaka-nakang offers para magtanghal sa mga piyesta at tinatanggap iyon ni Cris dahil hilig talaga niya.

Cristopher Diwata for Shopee
After going viral, Cristopher gets a lot of offers to endorse products.

Photo/s: Shopee on Facebook

CrisTOPHER Diwata’s Second Shot at Fame

Kaya maituturing niyang biyaya ang pag-viral ng kanyang lumang video.

“Sa ngayon, yung ginagawa ko, wala akong tinatanggihan. Lahat po ay grab po ako nang grab.

“Sa mga offers po, malaki man o maliit, tatanggapin ko, basta meron, hanggang sa maipon nang maipon.

“Dahil ang buhay ngayon ay mahirap po talaga.

“Sa ngayon po talaga, napakahirap kumita ng pera pag wala kayong stable na trabaho. Kaya hanggat meron, i-grab ko lang po nang i-grab.”

Pagpapatuloy ni Cris, “Kasi nga ako ay 34 years old na. Kailangan kong makaipon, magkaroon ng malaking puhunan na puwedeng ipangsabak sa aking trabaho na fish dealer. Kailangan ko po siyang ipunin nang ipunin.

“At kung mawala man ito, meron na po akong naka-save para sa kinabukasan ng mga anak at pamilya ko.”

Marami nang pinagdaanan si Cris sa buhay sa nakalipas na maraming taon.

Naalala rin niya ang pagkakalubog niya sa utang noon.

“Lumubog sa utang, na-barangay, napa-pulis dahil sa kauutang,” sabi niya.

“Sa trabaho po namin bilang namamakyaw, kailangan po talaga ng malaking puhunan.

“Dahil wala po kaming malaking puhunan [at] bilang kilala naman po kami sa larangan namin, napapautang po kami.”

Nahirapan siyang makabayad.

At mula sa karanasang iyon, malaki ang natutunan ni Cris: “Wag na wag po kayong uutang kahit sa kaibigan dahil mauubos at mauubos…kahit kamag-anak niyo.

“Hangga’t kayang tipirin ang sarili, hangga’t kumakain ng tatlong beses o dalawang beses, tiisin niyo na po kesa umutang kayo.”

Kaya ngayong meron ulit siyang pagkakataong kumita, determinado siyang makaipon.

Panghuling mensahe ni Cris: “Sa buhay, kung may pangarap po kayo, huwag niyo isipin na naglaho na dahil meron na kayong pamilya o anuman.

“Huwag niyo isipin iyan. Lagi niyo isipin, bilog ang mundo. Iikot din iyan.

“Malay niyo, sa susunod, kayo naman [ang] nasa ibabaw. Kaya sana huwag kayong sumuko.”

Source: Meet Cristopher Diwata, the man behind “What hafen, Vella?” trend