
Zaijian Jaranilla apologizes over remarks about Dustin and Vince
Humingi ng paumanhin ang Kapamilya actor na si Zaijian Jaranilla sa na-offend sa mga nasabi niya tungkol sa Kapuso stars na sina Dustin Yu at Vince Maristela.
Sina Dustin at Vince ay kapwa housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Trending ngayon sa social media si Zaijian matapos umanong magbitaw ng salita tungkol kina Dustin at Vince sa TikTok Live ng kaibigan at kapwa Kapamilya star na si Ralph de Leon.
Si Ralph ang latest housemate, kasama ang Sparkle artist na si Josh Ford, na na-evict mula sa Bahay ni Kuya.
Binatikos ng netizens, partikular na ang fans nina Dustin at Vince, ang pagbibiro ni Zaijian na huwag iboto si Dustin at ang pagtawag umano nito ng “adik” kay Vince.
ZAIJIAN JOKES aBOUT DUSTIN
Noong Huwebes, May 15, 2025, ay nag-TikTok Live si Ralph para sa kanyang fans.
Nasa isang kuwarto noon si Ralph, kasama ang kanyang former High Street (2024) co-stars at malalapit na kaibigan na sina Zaijian, Gela Atayde, Tommy Alejandrino, at Harvey Bautista.
Sa kanyang Live, may ilang fans at netizens na nagtanong kay Ralph kung sino sa mga natitirang housemates sa PBB ang kanyang Big 4 o ang apat na housemates na makakasama sa Big Night.
Bago sumagot ay tinanong ni Ralph ang opinyon ng kanyang mga kaibigan.
Aniya, “[Guys] sino bang Big 4 natin?”
Mabilis naman siyang sinagot nina Gela at Tommy ng “Xyriel Manabat,” na nakasama rin nila sa High Street.
Bagay na sinang-ayunan naman ni Ralph.
Sa gitna ng pagdidiin nila sa pangalan ni Xyriel bilang kanilang PBB Big Winner ay biglang maririnig ang boses ni Zaijian, na noo’y nasa likuran ni Ralph.
Aniya, “Huwag niyo nang iboto si Dustin!”
Nang marinig ito ay agad siyang sinaway ni Ralph.
“Huy,” sabi nito sabay tingin sa kinaroroonan ni Zaijian.
“Sorry, sorry,” saad naman sa kanya ng dating child star.
Kilalang malapit sa isa’t isa sina Zaijian at Xyriel dahil halos sabay silang namayagpag noon sa ABS-CBN bilang child stars.
Nang na-nominate si Xyriel at ka-duo nitong si Dustin sa PBB, isa si Zaijian sa nagpakita ng suporta sa aktres.
Noong May 7, ilang araw bago ang fourth eviction night sa PBB, nag-post si Zaijian sa kanyang Instagram Stories upang manawagan sa fans at netizens na iligtas si Xyriel mula sa eviction.
May halong biro pero ramdam ang tunay na concern sa mensahe ng aktor.
Aniya: “Paki-save niyo nga ’to! Ayaw ko pa makita mukha nito sa labas.”

Photo/s: Screengrab Zaijian Jaranilla on Instagram
NETIZENS CALL OUT ZAIJIAN FOR ALLEGEDLY CALLING VINCE AN “ADIK”
Hindi naman nagustuhan ng mga tagahanga ni Vince Maristela ang diumano’y pahaging na pagtawag ni Zaijian na “adik” sa Sparkle artist.
Sa parehong TikTok Live ni Ralph ay may isang netizen ang nakapansin sa pagkakahawig umano nina Vince at Tommy Alejandrino.
“Kamukha ni Vince si Tommy,” natatawang basa ni Ralph sa comment ng netizen.
Gulat namang reaksiyon ni Gela, “Oh, my God, oo nga!”
Sumilip naman si Zaijian sa likod ni Ralph at maririnig nitong sinabi ang “adik” nang dalawang beses.
Katulad ng ginawa ni Ralph, sinaway rin ni Gela si Zaijian.
“Zaijian!” saway ni Gela sa kaibigan.
Sagot naman sa kanya ni Zaijian, “Ano yon, wala akong sinabi?”
Zaijian JARANILLA says sorRY
Dahil sa kaliwa’t kanang batikos na natatanggap online, naglabas ng pahayag si Zaijian upang humingi ng paumanhin at linawing wala siyang masamang intensiyon sa kanyang mga nasabi.
Malinaw naman daw na nagbibiruan lang silang magkakaibigan, bagay na sineryoso naman ng ibang netizens.
Post ni Zaijian sa kanyang Instagram Stories: “Huy easy lang! Sorry na huwag na kayo magalit.
“At huwag niyo idamay yung mga kaibigan ko sa opinyon ko.
“Di ba pwede biruin idol niyo? Sorry na [peace sign emoji].”
Sinamahan din niya ito ng hashtag na “#KungSiLordNagpapatawadKayoPa.”

Photo/s: Screengrab Zaijian Jaranilla on Instagram
GELA ATAYDE DEFENDS FRIENDS FROM BASHERS
Kaugnay nito, naglabas din ng pahayag si Gela Atayde sa Instagram Stories upang ipagtanggol ang mga kaibigan laban sa mga nanghuhusga na hindi naman daw alam kung ano talaga ang nangyari.
Paglilinaw ni Gela, walang masamang tinapay sa pagitan nina Dustin at Ralph.
Magkaibigan daw ang turingan ng dalawa, at ang nasabi ni Zaijian kay Dustin ay sarili nitong opinyon na labas si Ralph.
Mababasa sa post ni Gela: “Hi everyone! Just wanted to clarify a few things, especially since things are starting to get out of hand.
“First, nobody saw the part where Ralph told us off-cam that he and Dustin are actually good friends.
“He shared stories with us, and they were nothing but kind and respectful. That’s why Dustin was genuinely sad when Ralph left, it wasn’t an act.
“Ralph never joined any hate train. On the contrary, he stood by Dustin as a friend.
“As for Zaijian, he expressed his own opinion based on what he saw on TV. That doesn’t make his reaction right, and he knows that.
“He has already apologized for it. Please, let’s not drag Ralph into this any further. He did his part as a true friend to Dustin.”

Photo/s: Screengrab Gela Atayde on Instagram
Ipinaliwanag din ni Gela ang tungkol sa pagbibiro ni Zaijian na sumakto sa pagbanggit sa pangalan ni Vince.
Aniya, hindi mismo si Vince ang sinabihan ni Zaijian ng “adik”—kundi ang kaibigan daw nilang si Tommy.
Biruan na raw nilang magkakaibigan ang mga ganung bagay, kaya hindi nila sukat-akalaing mami-misinterpret ito ng iba.
Pahayag ni Gela: “About Vince, to clarify, Zaijian wasn’t referring to him at all. He was teasing Tommy in a private, joking context—not seriously calling anyone names.
“It was an inside joke among friends that was never meant to hurt or bully anyone.”
Sa huli, kapatawaran pa rin ang hiningi ni Gela mula sa publiko dahil sa mga nasabi at nagawa nilang pagkakamali.
Kalakip nito ang pangakong hindi na mauulit ang ganitong insidente.
Saad niya: “We fully acknowledge that some actions came off wrong, and for that, we’re sorry. It won’t happen again.
“Moving forward, we ask for your continued support for Ralph. He’s one of the most genuine people we know, and he truly deserves kindness. Thank you!”

Photo/s: Screengrab Gela Atayde on Instagram
Source: Zaijian Jaranilla apologizes over remarks about Dustin and Vince