
Mountaineer cousin of Emil Sumangil dies on Mount Everest
Nagluluksa ang 24 Oras anchor at broadcaster na si Emil Sumangil dahil sa pagpanaw ng kanyang pinsang si Engineer Philipp “PJ” Santiago sa Mount Everest nitong Huwebes, May 15, 2025.
Ang Mount Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo na matatagpuan sa borders ng Nepal at China.
Si Santiago ay kabilang sa Mountaineering Association of Krishnanagar–Snowy Everest Expedition.
Inanunsiyo ni Emil ang pagpanaw ng kanyang pinsan sa pamamagitan ng social media ngayong araw.
Kalakip nito ang panawagan sa netizens na ipagdasal ang kaluluwa ni Philipp.
Hiniling din niyang bigyan sila ng pagkakataong magluksa nang pribado.
Saad ni Emil: “Our family is asking for prayers for the eternal repose of the soul of our beloved Engr. Philipp PJ Santiago II.
“We also continue to pray for the safety and well-being of Karl Miguel Santiago during this difficult time.
“The family respectfully requests privacy as we grieve and process these events. Your understanding, support, and prayers are deeply appreciated.
“Maraming Salamat po.

Ayon naman sa ulat ng The Himalayan Times: “45-year-old Philipp II Santiago breathed his last at Camp IV while preparing for the summit push last night. The climber was part of the Mountaineering Association of Krishnanagar- Snowy Everest Expedition 2025.”
EMIL ASKED FOR PRAYERS FOR PHILIPP’S MOUNT EVEREST QUEST
Miyerkules ng gabi, May 14, humingi pa ng dasal si Emil sa netizens upang magtagumpay ang pinsan na marating ang tuktok ng Mount Everest.
Mensahe ng broadcaster: “Tuktok ng Mount Everest, inaasahang mararating ni Engr. PJ Santiago bukas (MAY 15).
“Sa kaluoban ng Mahal na Diyos Ama, maging matagumpay at ligtas ang lahat.
“Humihingi po kami ng panalangin mula sa inyo.”
Ngunit makalipas lamang ang halos 24 oras ay ibinalita ni Emil ang pagpanaw ng kanyang pinsan.
Source: Mountaineer cousin of Emil Sumangil dies on Mount Everest