Producer apologizes to PEP, MTRCB for “disapproved title” claim

Humingi ng paumanhin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang LVD Artist Management business partner na si Fred Blasco.

Kasabay nito ay ipinaaabot din ni Blasco ang paghingi niya ng paumanhin naman sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito ay dahil may malaking pagkakamali siya sa kanyang pahayag na hindi inaprubahan ng MTRCB ang title na Babuyan Island kaya ito’y naging Isla Babuyan.

Ang maling pahayag ay naganap sa media conference ng pelikula kahapon, Setyembre 27, 2024, sa isang restaurant sa Quezon City.

BACKGROUND ABOUT ISLA BABUYAN

Ang Isla Babuyan ay launching movie ng singer at aspiring actress na si Geraldine Jennings.

Passion project ito ni Leo Dominguez, veteran talent manager, founder ng LVD Artist Management, at isa sa producers.

Pumanaw si Leo nitong May 2024, at si Blasco, kasama ni Rey Lanada, ang namamahala na ngayon ng LVD.

BLASCO’s claim that film title was “DISAPPROVED”

Sa September 27 presscon, dalawang beses tinanong ng Cabinet Files si Blasco tungkol sa kanyang pahayag, at dalawang beses niyang sinabing hindi aprubado sa MTRCB ang title na Babuyan Island.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya binanggit ang dahilan.

Dahil sa impormasyong isiniwalat ni Blasco, tinanong ng Cabinet Files si Geraldine sa reaksiyon niya sa pag-disapprove ng MTRCB sa title ng kanyang launching movie.

Sagot ni Geraldine, “It’s okay. I am open naman to learning and getting constructive criticisms.”

Na-publish ang istorya kagabi, Setyembre 27, 10:21 P.M.

MTRCB’S “FAKE NEWS ALERT”!

Ngayong araw, Setyembre 28, pasado alas dos ng hapon, nagpost ang MTRCB ng “FAKE NEWS ALERT!” sa Facebook page nito.

Nakasaad sa post na misinformation ang nakasaad sa artikulong lumabas sa PEP.ph:

“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) clarifies that the article published by PEP Alerts (PEP.ph) on September 27, 2024 is completely false.

“As of September 28, the MTRCB has not received any application or materials from the producer, as indicated in our database.

“For urgent or registration-related inquiries, contact our Review and Classification Division at registration@mtrcb.gov.ph.

“Let’s work together to combat misinformation.”

Kalakip nito ang screenshot ng art card ng artikulo na lumabas sa PEP Facebook page.

MTRCB tagged the article about Geraldine Jenning's movie as fake news

Photo/s: MTRCB on Facebook. THE CENSORS BODY RELEASED THIS FAKE NEWS ALERT ON SEPT. 28, 2024.

PEP’S IMMEDIATE STEPS

Nakarating ang reklamo ng MTRCB sa PEP mula sa isang source nang 2:14 ng hapon. Nakabalandra ang “FAKE NEWS” sa PEP art card.

Bandang 3:41 ng hapon, natapos na ang imbestigasyon ng PEP sa nangyaring pahayag nina Blasco at Geraldine.

Pero 2:40 pa lamang ay deactivated na ng PEP ang artikulo at maging ang social-media posts tungkol dito.

Tiniyak ni PEP Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon na ang kanyang source mula sa MTRCB ay “very reliable.”

Kaya aniya, “I will not wait for all details to fall into place before I take this wrong news down.”

Nilinaw din nito ang susunod na hakbang: maglalatag ang PEP ng artikulo sa araw ding ito tungkol sa nangyaring wrong o false report.

Nang dumating ang datos mula sa sariling imbestigasyon ng Cabinet Files, lalong napatunayan ni Jo-Ann na totoong WRONG NEWS o MALING BALITA ang nailabas ng PEP nung gabi ng Setyembre 27.

Ngunit luminaw ding hindi ito basta matatawag na FAKE NEWS o DISINFORMATION.

Ang ganyang label ay nirereserba sa mga balitang sadyang ipinapakalat para magkaroon ng kaguluhan.

Sabi ng PEP Editor-in-Chief, “This is clearly a mistake, not a deliberate move to misinform.”

Pasado alas-tres naman ng hapon, nakatanggap ng email ang PEP mula sa MTRCB na ang subject ay:

Urgent Invitation for a Dialogue Regarding the Article of PEP.ph Entitled “Title ng Launching Movie ni Geraldine Jennings Di Pumasa sa MTRCB”

Kalakip nito ang isang formal letter na nagsasabi kung kelan at saan gaganapin ang dialogue.

Pirmado ito ng chairperson na si Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio.

May kopya rin nito si Blasco.

MTRCB Letter to PEP
This is the letter sent by MTRCB to PEP requesting for a dialogue regarding the article “Title ng Launching Movie ni Geraldine Jennings Di Pumasa sa MTRCB.”

Photo/s: File

BLASCO’S APOLOGY

Habang nangyayari ang lahat ng ito, humihingi na ng paumanhin si Blasco sa PEP at sa MTRCB dahil sa maling pahayag niya sa media conference ng Isla Babuyan.

Inako ni Blasco ang pagkakamali.

Ito ang kabuuan ng kanyang paghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala niya sa PEP.

“We deeply apologize for the wrong info at yesterday’s presscon. There was a misinformation. I thought the movie was already submitted to MTRCB.

“Hindi ko intention na pangunahan ang producers at MTRCB. The movie Isla Babuyan has not been approved nor disapproved. Walang ganun.

“Inaako ko na ako ang nagkamali. Wala pa po palang desisyon ang MTRCB, the one posted by PEP is from me, nakakahiya at walang dapat panagutan ang PEP.

“Sa mga naabala, please accept my sincerest apology.”

Direk Joey Reyes explains why And So It Begins was chosen as Philippine entry to Oscars

Emman Atienza clarifies mention of Nadine, BTS after “bill” issue

Boy Scout Elias Modesto Cruz wins hearts online