Emman Atienza on mentioning Nadine Lustre, BTS after bill issue

Sumagot si Emman Atienza matapos mabatikos ng netizens at fans dahil idinamay raw nito ang kanilang mga idolo.

Nasangkot sa kontrobersiya si Emman kasunod ng pag-viral ng “Guess the bill” challenge sa TikTok noong Lunes, September 22, 2024.

Sa video, nagkatuwaan si Emman at mga kaibigan na hulaan kung magkano ang inabot ng bill ng kanilang kinain sa isang high-end restaurant.

Lumalabas na higit PHP130,000 ang total bill ng kanilang dinner.

Umani ng batikos ang grupo ni Emman dahil sa pagiging “insensitive” nila, lalo pa at maraming naghihirap sa Pilipinas.

EMMAN’S REACTION to the issue

Naglabas ng video si Emman bilang reaksiyon sa kontrobersiya.

Aniya, isang “joke” ang video at wala silang binayarang malaking bill dahil nilibre sila ng isang kaibigang nag-birthday.

Isa pang punto niya, kung magbayad man daw sila ng ganoon kamahal ay wala namang kaso dahil pera nila ang ipambabayad.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang sumang-ayon sa puntong ito ni Emman. Sabi nila, hindi kasalanan ni Emman kung may pambayad siya sa mamahaling dinner.

Pero marami ang nagtaas ng kilay, partikular ang fans nang banggitin ni Emman ang pangalan ng mga artistang tulad nina Nadine Lustre, Taylor Swift, Olivia Rodrigo, pati na rin ang sikat na South Korean group na BTS.

Ipinakita ni Emman ang larawan ni Nadine na nakasuot ng mamahaling jewelry bilang guest sa event ng isang high-end brand.

Lahad ni Emman: “Nadine Lustre at a Bulgari event, praising her saying ‘radiant as always mother.’

“If you’re gonna hate on me for being rich, you need to do the same for everyone because, guess what, your favorite celebrities not just in the Philippines, but worldwide, if you have a BTS profile picture, I don’t want to hear you talking.

“If you have Taylor’s version in your name, I don’t want to hear you talking because your favorite celebrities make more, have more, and spend more than I ever have.”

Dahil dito kinuyog si Emman ng fans ng mga pinangalang artists. Ikinatuwiran nila na magkaiba ang sitwasyon ni Emman sa mga idolo nila dahil nagpakahirap ang mga ito para sumikat at yumaman.

Sa comments section dumipensa si Emman.

Sabi niya, hindi niya idinadawit ang pangalan ni Nadine, ng BTS, at iba pang international stars. Nagsa-cite lamang daw siya ng examples.

Reply ni Emman (published as is): ‘i didn’t intend to drag them, i’m using it as an example. Meaning: if you’re mad at wealth, be mad at all wealth and don’t nitpick.

Sagot naman ng isang netizen sa kanya “pandadamay” sa ibang artista (published as is): “girl u were also nitpicking specific celebrities that are fairly popular too… if you intended to put them in a positive light then you didn’t.”

Banat kay Emman ng isa pa: “Those celebrities are working tho. Worked hard to get to where they are. You cant see the difference?”

Emman Atienza
comment

Ang punto ng netizen ay pinaghirapan ni Nadine at ng BTS ang kasikatan at karangyaang tinatamasa sa buhay.

Samantala, si Emman ay isa raw “nepo baby” o isinilang na mayaman. Ang kanyang ama na si Kim Atienza ay popular ng Kapuso anchor at host habang ang kanyang ina na si Felicia Hung-Atienza ay isang stocknroker, educator, at owner ng Chinese International School Manila.

Kasunod nito, kinuwestiyon ng netizens ang yaman ng kanyang lolo na si dating Manila Mayor Lito Atienza.

Pero depensa ni Emman, “self-made” ang kanyang mga magulang.

Aniya, “my dad became financially independent before any member in my family became a prominent political figure.”

Emman Atienza comment
emman comment 2

Iginiit din niyang hindi umaasa ang kanyang mga magulang sa dating mayor ng Manila.

Dugtong ng dalaga: “my family isn’t financially dependent on him because – like I just said – my parents are self made. He [grandfather] only became mayor or any prominent political figure AFTER may dad became financially independent.”

Emman Atienza comment 3

In-address din ni Emman ang mga pahayag na pinapabulaanan niya ang lumabas na screenshot ng resibong nakasaad na PHP133,000 ang bill.

Ang kanyang punto: hindi sila nagbayad dahil ang kinain nila ay birthday treat.

Sabi ni Emman (published as is): i didn’t say the total was fake, i said we didn’t pay. Reading/listening comprehension is gone.”

Emman Atienza comment 4