Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Hindi na ba on good terms ngayon sina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati?

Ito ang tanong ng netizens nang matuklasang in-unfollow nina Kyline at Sarah ang isa’t isa sa Instagram.

Ngayong Biyernes, September 27, 2024, kung bibisitahin ang parehong Instagram pages ng dalawa, makikitang hindi na sila lumalabas sa following list ng isa’t isa.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

KYLINE-SARAH RELATIONSHIP

Magkapatid kung magturingan sina Kyline at Sarah, kaya naman malaking palaisipan sa kanilang fans ang biglaang pag-unfollow-an nila.

December 2023 nang nagsimulang mapansin ang pagiging malapit ng dalawa matapos i-upload ni Kyline sa kanyang Facebook page ang litrato ng naging bonding nila ni Sarah.

Makikita rito ang candid photo ng dalawa habang masayang nakangiti na animo’y nagtatawanan.

Kalakip nito ang caption na, “Celebrating the elegance of womanhood [heart emoji].”

Walang binanggit na detalye ang dalawa tungkol sa kanilang naging pagkikita, pero hinala ng netizens na may kaugnayan ito sa pinagdadaanan nilang kontrobersiya.

Noong mga panahong iyon ay napapabalita ang pagkakahiwalay nila sa kani-kanilang dating mga partner — si Mavy Legaspi kay Kyline at si Richard Gutierrez naman kay Sarah.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Sarah Lahbati on Instagram

January 20, 2024, ibinida ni Kyline sa kanyang Instagram Story ang naging dinner date nila ni Sarah.

Aniya, “My lovely ate @sarahlahbati. Love you.”

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

February 8, muling naulit ang pagpu-post ni Kyline sa kanyang Instagram ng litrato nilang magkasama ng nakahiwalayang asawa ni Richard.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

Noong March 27, nag-post si Kyline sa kanyang Instagram Story ng larawan nila ni Sarah, kalakip ang pasasalamat niya rito.

Makikita sa litrato na inaayos ni Sarah ang kuwintas ni Kyline, na naka-pose sa camera.

Ani Kyline, “I love you forever big siz. Thank you for always taking care of me. I got you for life.”

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

May 21, magkasama sina Kyline at Sarah sa Siargao para sa isang free diving.

Caption ni Kyline sa kanyang post (published as is), “grateful that I found a sister like you, @sarahlahbati.”

Nireplayan ito ni Sarah ng (published as is), “Ily forever, lil sis.”

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

June 5, in-upload ni Sarah ang TikTok video niya kasama si Kyline.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Sarah Lahbati on TikTok

Noong August 1, huling nasilayan ng publiko ang interaksiyon ng dalawa nang i-repost ni Sarah sa kanyang Instagram Story ang picture mula sa photoshoot ni Kyline sa isang magazine.

“That’s my sis,” saad niyang caption sa litrato ni Kyline.

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati unfollow each other on Instagram

Photo/s: Sarah Lahbati on Instagram

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag sina Kyline at Sarah kung bakit nila in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.