South Korean President, naaresto na

Naaresto na ng mga awtoridad ng South Korea si impeached President Yoon Suk Yeol kaugnay sa mga akusasyon ng insurrection may kaugnayan sa idineklara niyang martial law noong December 3.

Kaninang madaling araw, mahigit 3,000 police officers at anti-corruption investigators ang nagtungo sa residensiya ni Yoon at nakipagtulakan sa mga supporters at mga miyembro ng ruling People Power Party na nagsasagawa ng protesta.

Inaresto si Yoon para sa interogasyon sa mga asunto na isinampa laban sa kanya.

Nag-iyakan ang ilang supporters ni Yoon habang umaalis ang motorcade ng mga awtoridad na umaresto sa kanya.

Matatandaan na nagulantang ang mga mamamayan ng South Korea nang ideklara ni Yoon ang martial law na nagresulta sa political crisis sa bansa.

Nagsasagawa naman ng hiwalay na pagdinig ang Constitutional Court kung pagtitibayin ang impeachment at tuluyang tanggalin sa puwesto si Yoon.