Muling nagbabadya ang Santa Ana Winds sa Los Angeles, California, habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa wildfire, na umabot na sa 24
Inaasahang babalik ang Santa Ana Winds sa Los Angeles California na tinuturong dahilan ng pagsiklab ng wildfire sa naturang lugar.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Maricel Taclas Vest na sa ngayon ay nakataas sa red warning ang California at inabisuhan ang lahat na mag-ingat sa muling pagbabalik ng Santa Ana wind o ang mainit at Dry na hangin na maaaring magpalala ng sunog.
Dahil sa nagpapatuloy na wildfire ay umabot na sa 24 ang kumpiramadong nasawi – 16 ang mula sa Eaton Fire at 8 sa Pacific Palisades.
Bagama’t libu-libong pamilya pa rin ang nasa mga evacuation centers ay nagbukas na ang ilang mga paaralan sa US na may maayos ng kondisyon.
Aniya, bumisita na umano ang Embahada ng Pilipinas sa sa mga evacuation area upang kumustahin ang kalagayan ng mga Pilipinong apektado ng wildfire.
Nagbigay din aniya sila ng mga numero na maaaring kontakin upang kinakailangan nila ng tulong.
Samantala, naglagay na ng fire hydrant ang mga bumbero upang hindi na kumalat pa ang wildfire sa Los Angeles, California.
Inihayag ni Bombo International News Correspondet Marissa Pascual na ito ay bilang paghahanda sa pagbabalik ng Santa Ana Winds kaya naman naglagay sila ng Fire Hydrants para magkaroon ng malaking espasyo sa pagitan ng lugar na nasusunog at hindi pa natupok ng apoy.
Nakahanda naman umano ang pamahalaan sa malakas na hangin na maaaring maranasan ng ilang araw dahil nagpadala na rin ng firefighters ang Canada at Mexico.
Sa ngayon ay 14% pa lamang ang naapula sa bahagi ng Pacific Palisades mula sa 22,600 acres na nasunod habang 33% naman sa Eaton Fire na mayroong 14,000 acres na nasunog.
Dahil sa maraming mga Pilipino ang nasa Los Angeles ay umabot na sa 150 Pilipino ang direktang naapektuhan ng wildfire kaya naman dagsa rin ang tulong mula sa Filipino community para alalayan ang mga kababayang Pinoy.