Nadine Lustre unfollows James Reid, Issa Pressman on Instagram

Tuluyan nang in-unfolllow ni Nadine Lustre sa Instagram ang ex-boyfriend niyang si James Reid at kasalukuyan nitong girlfriend na si Issa Pressman.

Kung bibisitahin ngayong Biyernes, September 27, 2024, ang Instagram account ni Nadine, “no users found,” o wala na sa listahan ng pina-follow niya ang mga pangalan nina James at Issa.

Nadine Lustre unfollows James Reid, Issa Pressman on Instagram

Photo/s: Screengrab on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nadine Lustre unfollows James Reid, Issa Pressman on Instagram

Photo/s: Screengrab on Instagram

Gayong sina James at Issa ay nananatili pa ring pina-follow si Nadine.

Nadine Lustre unfollows James Reid, Issa Pressman on Instagram

Photo/s: Screengrab on Instagram

Tanong tuloy ng netizens: May kinalaman kaya ang pag-unfollow ni Nadine sa naging panayam ni James sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong September 17?

James on working again with Nadine: “I don’t think that’s happening.”

Dito kasi ay diretsahang inamin ni James na hindi na siya tatanggap ng proyekto kasama ang ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Nadine.

Ito’y bilang respeto na rin daw sa kasalukuyan niyang girlfriend na si Issa.

Ibinahagi ni James ang plano niyang pagbabalik sa pag-arte makaraan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang singing career.

Kaakibat ng kanyang pagbabalik sa pag-arte ay ang kaliwa’t kanang tanong kung may tsansa ring magbalik ang tambalan nila ng dating nobya na si Nadine, ang JaDine.

Ayon kay James, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya ang suporta at pagmamahal ng fans nila ni Nadine.

Ngunit sa kasalukuyan niyang estado ay hindi na raw niya nakikita ang pagkakaroon nila ng reunion project ng dating kasintahan.

Maging ang pagkakaroon niya ng loveteam ay hindi na rin daw interesado si James.

Saad ng actor-singer: “I don’t think that’s happening.

“There’s still that undying support that I’m always grateful for, even as I transition to music, nandoon pa rin sila [fans] to promote my music and support.

“But out of respect for my girlfriend, Issa, I don’t think I’ll ever do another loveteam.

“I think a lot of audiences can tell reality from showbiz when it comes to loveteam. So, you know, respect for her [Issa].

“I don’t think I’d ever do that again. But acting, definitely.”

Alam daw ni James na hindi lahat ay matatanggap ang kanyang desisyong hindi na bumalik sa pagkakaroon ng loveteam.

Mayroon at mayroon daw pupuna sa kanya, kaya naman pakiusap ni James na bigyan sila ng pagkakataong sundin din ang mga nais nilang gawin sa kani-kanilang buhay.

Sobra-sobra na raw ang pinagdaanan nilang bashing noong naghiwalay sila ni Nadine kaya kung maaari ay mag-move on na rin daw ang mga taong umaasa pang magkakabalikan sila.

Saad ni James: “It’s been a very difficult year for me, also for Issa, and I’m sure for Nadine also, with all the noise, all of the bashing, sana people can move on from all of that.

“I have to say, like, to be very honest, for me witnessing all of the bashing, nakaka-depress siya, to be honest.

“I hope people can move on and please give us peace of mind.”

JAMES-NADINE BREAKUP

Noong January 1, 2020, inulat ng PEP.ph ang breakup nina James at Nadine.

Kinumpirma ng dalawa ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng kanilang joint statement noong January 20, 2020.

Sa ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano’y third party sa hiwalayang JaDine.

Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa ni James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.

Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.

Hanggang noong March 17, 2023, tuluyan nang inamin nina James at Issa ang kanilang espesyal na relasyon.

September 8, 2023, ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa nang magkasama rin silang dumalo sa #PreviewBall2023 na ginanap sa Manila Marriott Hotel, sa Pasay City.

Dito ay inihayag ni James ang lubos niyang kasiyahan na sa wakas ay hindi na nila kailangang itago ng nobyang si Issa ang kanilang relasyon.

Pagtatapat noon nina James at Issa, masaya at in love sila sa isa’t isa.

Ani James, “There’s no better way to say it. I’m very in love. I’m very happy.”

Para naman kay Issa, ang pagiging supportive nila sa bawat isa ni James ang isa sa magandang parte ng kanilang relasyon.

Saad ng kapatid ni Yassi Pressman, “The best thing, like, the love that we have is we really support each other.

“I have my strengths, he has his, so we just help each other.”

Hindi rin daw sila nahirapang gustuhin at mahalin ang isa’t isa dahil nakikita raw nila ang kanilang mga sarili sa katauhan ng bawat isa, na siya ring dahilan kung bakit nag-click sila.

“Definitely, I think I feel like he’s like the male counterpart of me,” pagmamalaki ni Issa.

Agad naman itong sinang-ayunan ni James.

Saad niya, “I said that in an interview earlier and was, like, ‘Is that weird to say?’

“But, yeah, I feel, like, it’s like she’s the female counterpart of me.

“Yeah, but six months ago, we just really clicked and, you know, we’ve very happy.

“It’s been a crazy six months, roller coaster but super happy.”

Sa kabila ng matatag na relasyon nina James at Issa, si Nadine ay masaya na rin ngayon sa piling ng nobyo niyang French businessman na si Christophe Bariou.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang malinaw na dahilang sinasabi si Nadine kung bakit siya nagdesisyong tuluyang i-unfollow ang dalawa.