Isla ng Calayan, tanging lugar na lamang na walang kumpletong comprehensive land use plan

Tanging ang isla ng Calayan, na lamang ang walang kumpletong comprehensive land use plan (CLUP).

Sinabi ni Grace de Vera ng Department of Human Settlements and Urban Development na ito ngayon ang kanilang tinututukan.

Ipinaliwanag ni de Vera na mahalaga ang pagkakaroon ng CLUP ng bawat local government unit dahil dito makikita ang mga lupa na maaaring magamit para sa mga proyekto ng pamahalaan tulad na lamang ng pabahay at iba pa.

Ayon kay de Vera, nagbibigay na rin sila ng technical assistance sa isla ng Calayan upang matapos nila ang kanilang CLUP.

Sinabi niya na ang pagtutok nila sa pagbuo ng mg LGUs ng CLUP ay para makatugon sa direktiba ng Department of Interior and Local Government na zero backlog.

Ayon sa kanya, mapapatawan umano ng sanction ang mga mayor na hindi makakatugon sa nasabing direktiba.

Sinabi niya na ang mayor kasi ang pangunahing opisyal na dapar na titiyak na may nagawaat updated na CLUP.

Samantala, sinabi ni de Vera na patuloy ang pagpapatayo ng mga bahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program na layunin na mabigyan ng bahay ang lahat ng informal settler families hanggang sa taong 2028.

Sa ilalim ng nasabing programa, isang milyong bahay ang planong ipapatayo bawat taon o anim na milyong na mga bahay sa nabanggit na taon.